STEAMED BLUE MARLIN


Naisipan ko na mag-steam ng isda for dinner nitong isang araw. Actually, wala akong idea kung anong isda ang gagamitin ko. Basta kako kung ano ang available sa palengke.

Basta fresh na seafoods o isda, the best sa akin ang Farmers market sa Cubao. Hindi dahil malapit lang ito sa bahay namin, kundi dahil sa fresh na fresh talaga ang mga seafoods at isda dito. Kung ma-tyempuhan mo nga yung araw ng bagsakan ng mga isda, sariwa na at mura ang makukuha mo.

Sa pag-ikot-ikot ko nga sa farmers market, napunta ako sa suki ko na nagbebenta ng mga tuna at iba pang isda. Inalok niya sa akin yung blue marlin na tinda niya. Komo binigyan niya ako ng malaking discount, kumuha na din ako ng 1/2 kilo for P150.

Ang resulta? Winner....masarap talaga ang blue marlin.


STEAMED BLUE MARLIN

Mga Sangkap:
1/2 kilo Blue marlin fillet (Hiwain ng mga 1/2 inch ang kapal at sa nais na laki)
1 pc. White onion sliced
Ginger cut like a match sticks
1 bunch of Kinchay or cilantro
1 tbsp. Sesame oil
1 lemon thinly sliced
salt and pepper to taste
1 tsp. maggie magic Sarap
Aluminum foil

Paraan ng pagluluto:
1. Paghaluin ang asin, paminta at maggie magic sarap.
2. Ibudbod ito sa mga hiniwang isda.
3. Ilagay ang sesame oil at halu-haluin. Hayaan ng mga 15 minuto.
4. Sa isang piraso ng aluminum foil maglagay ng ilang pirasong isda (fillet), 1 sliced na lemon, ilang sibuyas, luya at kinchay. Isarado ang foil. Dapat hindi makakalabas yung sabaw o juice ng isda.
5. I-steam ito sa loob ng 20 minuto o hanggang sa maluto ang isda.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!!

Comments

cool fern said…
naku pang semana santa na food...
Dennis said…
Winner ito friend....you must try this. hehehe

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy