STIR-FRIED CHICKEN and SPINACH
Aminado ako, medyo palpak ang entry ko na ito for today. Pero ganun pa man, i-she-share ko pa rin sa inyo para atleast alam nyo na ang dapat na gagawin kung susubukan nyo naman na lutuin ito.
Ang nakasulat sa ibaba na paraan ang dapat na paraan sa pagluluto nito. May mga ginawa kasi ako na hindi pala dapat. Although, masarap naman ang kinalabasan.
STIR-FRIED CHICKEN AND SPINACH
Mga Sangkap:
500 grams Chicken thigh fillet (skin on) cut into serving pieces
1 cup Shiaoxing Rice wine
1/2 cup Soy sauce
300 grams fresh Spinach
a thumb size Ginger sliced
4 cloves minced garlic
1 large Onion chopped
salt and pepper to taste
1 tbsp. brown sugar
Paraan ng pagluluto:
1. I-marinade ang hiniwang chicken fillet sa asin, paminta, shiaoxing rice wine at toyo. Hayaan ng mga 30 minuto. Overnight mas mainam.
2. Sa isang non-stick pan i-prito ang chicken fillet. Huwag isasama ang marinade mix. Hindi din lalagyan ng mantika. Maluluto ang manok sa sarili niyang mantika.
3. Habang naluluto ang manok, kakatas ang mantika nito. Kung pumula na ang manok, doon nyo igisa ang luya,bawang at sibuyas. Halu-haluin.
4. Ilagay ang marinade mix at brown sugar. Maaring takpan hanggang sa maluto at kakaunti na lang ang sauce.
5. Ilagay ang dahon ng spinach...halu-haluin at saka hanguin sa isang lalagyan. Huwag i-overcooked ang spinach.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!
Note: Alin ang palpak? Una, sa marinade mix nilagyan ko ng cornstarch. May nabasa kasi ako ganun ang ginawa. Pangalawa, gumamit ako ng mantika nung i-piprito ko na ang manok. ang naging resulta, masyadong mamantika at masabaw ang finished product eh stir-fried ito. But anyways, natuto ako sa mali kong nagawa. Sa susunod na lang ulit. Hehehehe
Comments
Dennis