TENDER JUICY GARLIC SPARERIBS


Kapag nakabili ako ng pork spareribs, madalas kung hindi sinigang ay nilaga ang ginagawa kong luto dito. Masarap kasi sa mga lutong may sabaw yung may buto-buto. Mas malasa at masarap talaga ang sabaw.

But this time, ibang luto naman ang ginawa ko para maiba at para na rin sa food blog nating ito. Nagaya ko ito sa isang chinese restaurant dito sa Makati. Ang name ng restaurant na ito ay Shanghai Bistro. Actually, sister company siya ng pinapasukan kong kumpanya. May branch sila dito sa paseo center dito sa makati at sa Eastwood naman sa Quezon city.

Nung natikman ko ang dish na ito, ninamnam ko talaga kung ano ang mga sangkap na ginamit. At sa tingin ko, isa lang ang nagpalasa talaga sa dish. At ito ay ang hamak na bawang lamang. Medyo may katagalan ang process ng pagluluto nito pero sulit naman pag kinakain na. Try it!


TENDER JUICY GARLIC SPARERIBS

Mga Sangkap:

1 kilo Babyback Ribs or Spareribs (Hiwain sa pagitan ng mga buto at sa nais na laki)

1 head Minced garlic

1 large whole onion

1 tsp. Garlic Powder

1 tsp. Ground Black pepper

1 tbsp. rock salt

1 tsp. maggie magic sarap

For the breadings:
1/2 cup Corn Starch

1/2 cup Flour

2 tbsp. Garlic powder

1 tsp. Iodized salt

1 tsp. maggie magic sarap

cooking oil for frying


Paraan ng pagluluto:

1. Sa isang kaserola, ilagay ang spareribs, asin, paminta, sibuyas, bawang, garlic powder at lagyan ng tubig.

2. Pakuluan ito hanggang sa lumambot ang laman ng karne.

3. Palamigin ang nilutong karne sa isang lalagyan.

4. Paghaluin ang mga sangkap para sa breading sa isang plastic bag.

5. Ilagay ang nilutong karne at alug-alugin para ma-coat ng breadings ang karne.

6. Ilagay ang breaded na karne sa isang strainer at ilubog sa tubig ng mga 3 sigundo.

7. I-drain at ibalik na muli sa breading mix at alug-alugin mulo.

8. I-prito sa kumukulong mantika hanggang sa mag-golden brown ang kulay.

Ihain na may kasamang catsup o ano mang paborito ninyong dip.

Enjoy!!!!

Comments

cool fern said…
paki explain yong number 6,dennis..tubig ba o mantika ang ibig mong sabihin?
Dennis said…
Double coating ang tawag dun. Pagkalubog mo sa unang beses sa harina....lubog mo ulit sa tubig tapos sa harina ulit. Ganito din ang ginagawa ng KFC sa chicken nila.
cool fern said…
ah ok,kasi ang alam ko sa eggwash nila ilulubog tapos harina ulit
Anonymous said…
Mukhang masarap.ma try nga po.

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy