TILAPIA in SWEET and SOUR SAUCE
Hindi naman talaga kailangan na gumastos ng mahal para lang kumain ng masarap. I mean gumastos sa mga sangkap na medyo may kamahalan na hindi naman magagamit ng madalas. Marami tayong lutuin na masarap na hindi kailangan gastusan pa ng mga mamahaling sangkap.
Katulad nalang ng entry natin for today. Ordinaryong tilapia na pinasarap ng sweet and sour sauce. Ang key lang ditto ay yung papaano mo papasarapin ang iyong sauce. Well, depende na lang siguro sa may panglasa. Para sa akin, ang tamang sweet and sour ay yung nagaagaw ang alat, tamis at asim ng mga sangkap. Take note, ang ginamit ko ditto na sangkap ay very common sa ating mga kusina.

Mga Sangkap:
4 pcs. Large size Tilapia o Pla-pla
1 medium size red bell pepper cut like a match sticks
1 small Carrots cut like a match sticks
1 large white onion sliced
4 cloves minced garlic
1 thumb size ginger cut like a match sticks also
2 tangkay Onion leaves cut into 1 inch long
½ cup Tomato catsup
1 tbsp. brown sugar
1 tsp. cornstarch
Salt and pepper to taste
2 tbsp. butter
Cooking oil for frying
Paraan ng pagluluto:
Timplahan ng asin at paminta ang tilapia. Hayaan muna ng mga 15 minuto.
I-prito ito sa kumukulong mantika hanggang sa maluto. Hanguin sa isang lalagyan.
Sa isang sauce pan, igisa ang luya, bawang at sibuyas sa butter.
Isunod ang carrots at makalipas ang ilang sigundo ay ilagay naman ang red bell pepper
Ilagay na ang tomato catsup at tinunaw na cornstarch sa tubig. Halu-haluin sa mahinang apoy.
Timplahan ng brown sugar. Lagyan pa ng asin at paminta kung kinakailangan. Tikman at i-adjust ang lasa
Maaring lagyan ng tubig para makuha ang tamang lapot ng sauce.
Ibuhos ito sa ibabaw ng piniritong tilapia at ilagay sa ibabaw ang ginayat na onion leaves.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!
Comments
keep up the good work...