TUNA FILLET in CREAMY PESTO SAUCE


Last Tuesday March 2, after mapa-check-up ko sa pedia ang bunso kong anak na si Anton, napadaan kami sa Farmers market para bumuli ng maiuulam namin for dinner. Tingin-tingin ako sa mag-iisda at napadako ako sa aking suki sa tuna. Sariwang-sariwa ang tinda niyang tuna at hindi ko napigilang bumili kahit 1/2 kilo lang. Kalhati lang ang binili ko. Medyo may kamahalan kasi ang kilo nito. Tumataginting na P280. hehehehe.

Nung pauwi na kami, iniisip ko kung anong luto ang gagawin ko sa isda. At doon ko naisip ang basil pesto na ginawa nitong nakaraang buwan. Remember yung home made pesto ko? Yup! Ito ang ginamit ko na sauce sa aking tuna fillet. Ang kinalabasan? Winner. Kahit ang asawa ko at mga anak ay nasarapan sa lasa ng isda at ng sauce.


TUNA FILLET in CREAMY PESTO SAUCE

Mga Sangkap:
500 grams Tuna Fillet (Hiwain na parang pang steak)
1/2 cup Butter
salt and pepper to taste
1/2 cup Basil Pesto
1/2 cup Alaska Evap
1 tsp. Maggie magic Sarap
1 tsp. cornstarch

Paraan ng pagluluto:
1. Timplahan ang fish fillet ng asin at paminta. Hayaan ng mga 15 minuto.
2. Sa isang non-stick pan, i-prito ang fish fillet sa butter hanggang sa pumula lang ng kaunti ang gilid nito. Huwag i-overcooked para hindi ma dry ang juice ng isda. Hanguin sa isang lalagyan.
3. Sa parehong kawali, ilagay ang pesto at ang alaska evap. Halu-haluin sa mahinang apoy.
4. Ilagay ang tinunaw na cornstarch at i-adjust ang lapot na gusto ninyo. maaring lagyan ng kaunting tubig.
5. Ilagay ang maggie magic sarap at i-adjust ang lasa.
6. Ibuhos ang sauce sa piniritong fish fillet.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!

Comments

caren said…
Sarap nito! Great recipe!
Dennis said…
Thanks Ms. Caren.....naka-tsamba na naman ako....hehehehe
cool fern said…
presentation pa lang supoer sarap na...
good job,dennis
Cool Fern said…
presentation is big time...cool talaga..2 thumbs up for u ,dennis
Unknown said…
ang creative ng recipe. very healthy pa. :)

gano po kaya katagal pwede sa ref yung homemade pesto? medyo nakakatamad kasi gumawa pag pakonti konti. thanks. :)
Dennis said…
Vanessa...basta nasa freezer pwede siya tumagal ng 1 buwan. Yan ngang ginamit ko Feb ko pa ginawa.

Dennis
Dennis said…
Thanks coolfern ny friend.....ang number 1 supporter ko...hehehehe

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy