CHICKEN, BROCOLI and CARROTS in OYSTER SAUCE
Last Sunday na mag-groceries ako, hindi ko napigilang hindi bilhin ang broccoli na nakita ko sa vegetables section ng SM Supermarket sa SM Makati kahit na may kamahalan ito. Una agad na naisip ko ay lutuin ito with the chicken breast fillet na nabili ko din that day. At stir fry nga ginawa kong luto dito. Sinamahan ko na lang ng carrots pa para madagdag sa gulay.
Hindi naman ako nagkamali, masarap at nagustuhan ng aking mga anak ang lutong ito. Yung broccoli nga muntik ko nang maubos bago pa nahalo sa chicken....hehehehe.
CHICKEN, BROCOLI and CARROTS in OYSTER SAUCE
Mga Sangkap:
500 grams Chicken Breast Fillet cut into cubes
500 grams Broccoli cut into desired pieces
1 large carrots cut into strips or slice
4 cloves minced garlic
1 large Onion chopped
1 thumb size ginger sliced
1/2 cup Oyster Sauce
1/2 cup Soy sauce
1 tbsp. brown sugar
1 tsp. sesame oil
1 tsp. cornstarch
salt and pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. I-steam ang broccoli hanggang sa maluto ng kaunti. Huwag i-overcooked. Budbudan ng iodized salt pagkatapos. Hanguin at ilagay muna sa isang lalagyan.
2. Timplahan ng asin, paminta at sesame oil ang chicken fillet. Hayaan muna ng mga 15 minuto.
3. Sa isang non-stick na kawali, i-prito ang chicken fillet sa kaunting mantika hanggang pumula ng kaunti o mawala na ang pagka-pink ng karne.
4. Itabi sa gilid ng kawali ang manok at igisa ang luya, bawang at sibuyas. Halu-haluin.
5. Ilagay na din ang carrots at lagyan ng mga 1/2 tasang tubig. Hayaan ng mga 1 minuto.
6. Ilagay na ang oyster sauce, toyo at brown sugar. Hayaan hanggang sa umunti na ang sauce.
7. Tikman at i-adjust ang lasa.
8. Ilagay ang tinunaw na cornstarch para lumapot ang sauce.
9. Ihalo ang ini-steam na broccoli at hanguin sa isang lalagyan.
10. Lagyan pa ng sesame oil bago ihain.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!
Comments
http://foodtripfriday.fickleminded.net/
Dennis
Thanks for visiting Vanessa...
Dennis