CHICKEN POCHERO
Ang Pochero ang isang pagkain na masasabi ko na isa sa mga paborito ko. Mapa baka man o baboy ang lahok nito ay gustong-gusto ko talaga. Gustong-gusto ko kasi yung lasa na naghahalong asim ng tomato sauce, alat at tamis ng saging na saba. Syempre, yung halo-halong gulay na kasama pa nito. Akala nga ng anak ko kare-kare ang niluluto ko…..hehehehe
This time, manok naman ang niluto kong pochero. Bukod pa sa dating kong recipe na ginagamit, nilahukan ko din ito ng chorizo de bilbao na nagdagdag ng sarap at extra flavor sa dish. Yun lang parang nabitin ako sa manok kasi konti lang yung nailahok ko. Well, sa gulay ko ibinunton ang pagka-bitin ko sa manok….hehehehe..healthy pa.
CHICKEN POCHERO
Mga Sangkap:
1 kilo Chicken legs or whole chicken cut into serving pieces

2 tali Pechay
1/2 Repolyo
100 grams baguio beans
2 pcs. potatoes quatered
5 pcs. Saging na Saba (hiwain ng dalawa)
1 sachet Del Monte tomato sauce
1 large onion quartered
1/2 cup brown sugar
salt to taste
1 tbsp. flour or cornstarch
1 pc. Chorizo de Bilbao sliced
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kaserola pakuluan ang manok sa 5 tasang tubig. Timplahan ng asin at ilagay na din ang sibuyas. Hayaan ng mga 5 minuto pagka kulo.
2. Ilagay ang patatas, saging na saba at tomato sauce. Hayaan hanggang sa maluto ang patatas.
3. Ilagay ang baguio beans at chorizo de bilbao. Ilagay na din ang brown sugar.
4. Tikman at i-adjust ang lasa. Ang lasa dapat ay yung nag-aagaw ang asim, alat at tamis.
5. Kung malapit nang maluto ang baguio beans, ilagay na ang repolyo at pechay.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!
Comments
Dennis
try mo.