A DAY at RICHMONDE HOTEL ORTIGAS


Nakatanggap ako ng Gift Checks ng Richmonde Hotel as a prize for my 10 years service award nung last Christmas party namin sa Megaworld. Yung iba nagamit na namin last January para sa aming wedding anniversary at yung iba naman ay nito ngang last April 9 & 10.


Bukod sa masarap nilang breakfast buffet, syempre ang swimming pool nila ang pinupuntahan namin dito. Eto nga at kaka-check-in pa lang namin ay nagyaya na agad ang mga kids na mag-swimming. hehehehe. Indoor at heated ang pool nila dito kaya naman masarap talagang mag-swimming. Kaya naman enjoy na enjoy ang mga anak ko.

Ang papel ko dito? Eto taga-kuha ng picture....hehehehe. Hindi naman...nakapag-swimming din naman ako.

Nagsawa ako ng kakasaway sa tatlo kong mga anak. Tingnan nyo naman sa pict...talagang harutan to the max sila sa pool.

After the swimming sa first day namin. Paglaruan ba ang hair dryer.....hehehehe.

Kuha ang picture na ito bago mag-sunset sa bintana ng room namin.


Second day, syempre ang breakfast ang inaabangan namin. Free breakfast for two ang kasama dun sa accomodation. Yung mga kids na 12 years old ang below ay 50% off. Masarap ang buffet breakfast nila. Maraming choices talaga.

Halata ba sa mukha ko na nag-enjoy ako sa food? hehehehe.


Si Anton ang dami ding nakain. lao na yung pangalawa kong anak na si James. Si Jake nagustuhan niya yung taho. Naka-dalawang balik siya. hehehehe

Syempre picture-picture sa lobby ng The Grill. May wedding reception ata that day kaya may mga decor na ganito.

My lovely wife with those beautiful roses.

Ofcourse pagkatapos ng masaganang almusal, balik ang lahat sa swimming pool. Yun lang naman talaga ang ipinunta namin dahil sa sobrang init ng panahon. Ako nag-enjoy naman sa steam sauna nila na malapit lang sa pool.


My precious jewels.

In general, enjoy naman kaming lahat sa 1 day stay namin na ito sa Richmonde Hotel. I hope sa darating pang mga panahon ay makabalik kami dito para maka-relax at i-enjoy ang kanilang friendly service.
Till next....

Comments

Lady Patchy said…
enjoy na enjoy mga anak mo at mukhang masarap ang mga pagkain.ganda ng place.
isang maybahay said…
Nakakatuwa po ang pamilya nyo! Halatang halata na masaya kayo. Good job in raising your kids, sir!

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy