PORK BINAGOONGAN with TOMATO SAUCE


Meron na akong recipe na pork binagoongan sa archive. Pero itong entry ko na ito for today is another version. Eto nga at kakatapos ko lang kainin ang dish na ito as my lunch dito sa office. hehehehe.
Very common na nilalagyan ng gata ang binagoongan. Pero itong ginawa ko, nilagyan ko naman ng tomato sauce. Actually nakuha ko yung recipe sa label nitong bagong labas na tomato sauce ng Del Monte.

Nung una talagang nagduda ako sa kung ano ang kakalabasan ng dish na ito. Binagoongan na may tomato sauce? Pero sinubukan ko pa din. Akala nga ng asawa ko caldereta....hehehehe.

Try nyo masarap siya. Mas masarap siguro kung medyo spicy ng kaunti ang sauce.


PORK BINAGOONGAN with TOMATO SAUCE

Mga Sangkap:
1/2 kilo Pork Kasim cut into cubes (adobo cut)
1 tetra pack Del Monte Sulit Sinangkutsa Tomato Sauce
2 tbsp. Bagoong Alamang (yung nasa bottle na ang ginamit ko...guisado na)
1 large onion chopped
4 cloves minced garlic
1 tbsp. brown sugar
salt and pepper to taste

Paraan ng Pagluluto:
1. Timplahan ang karne ng baboy ng asin at paminta. Kaunti lang asin ang ilagay dahil maalat na yung bagoong na isasama sa pagluluto. Hayaan ng mga 15 minuto.
2. Sa isang non-stick na kawali, i-prito ang karne hanggang sa pumula lang ang magkabilang gilid nito.
3. Itabi lang sa gilid ang karne at igisa ang bawang at sibuyas. Halu-haluin
4. Lagyan ng mga 3 tasang tubig at takpan hanggang sa lumambot ang karne. Maaring lagyan pa ng tubig kung kinakailangan.
5. Ilagay ang bagoong alamang at tomato sauce. Hayaan ng mga ilang minuto
6. Hayaang kumulo hanggang sa kakaunti na lang ang sauce na natitira.
7. Ilagay ang brown sugar at i-adjust ang lasa.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!

Comments

Unknown said…
this is something new to me. may bagoong at tomato sauce--sounds interesting.:p
Lady Patchy said…
oo nga .tomato sauce at bagoong.masubukan nga.
We Ate This! said…
Tomato sauce... sa binagoongang baboy??? Gusto ko ring subukan :D Ang galing mo namang magluto, I'm sure proud ang misis mo.

Enjoy your weekend, Dennis.
Mirage said…
I've been seeing this dish a lot though I haven't tried it yet :( Onga, you must be a good cook, the wifey shoudl be proud!
Self Sagacity said…
Wow. A dish my family would love. They are all boys and like meat, so your dish today would be gone in no time in my house. :-)
Dennis said…
@ luna miranda.... tama ka dyan...kahit ako nga may duda nung una kong mabasa ang recipe...hehehehe. But it really taste good... :)

@ tatess.....garantisa ito my friend...try it!

@ We Ate This.... My wife is my number 1 critic. Ang totoo hindi siya marunong magluto....hehehehe

@ Mirage... Salamat...oo naman proud siya sa akin. Hindi lang kasi ako marunong magluto...magaling din ang mag-laba...mamalantsa...mag-linis ng bahay...mag-masahe at iba pa.....hahahahaha.

@ Self Sagacity.... I sure they will love it. Me too I have 3 boys...hehehe
Anonymous said…
sarap matry nga yan...
Dennis said…
Try mo....masarap talaga ito. Sana din pakilala ka...:)

Thanks
Kirby said…
Uhmm matry nga ito di ako makapagisip ng ibang luto ng pork! Thank u 4 a nice idea!
Dennis said…
Yes Kirby i-try mo..masarap yan talaga.

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy