SEMANA SANTA 2010 - SAN JOSE BATANGAS
Simbahan ng San Jose, Batangas
Mula noong nagka-asawa ako sa San Jose Batangas na ako at aking pamilya na nagninilay ng mga Mahal na Araw o Semana Santa. Una, tagarito kasi ang asawa kong si Jolly. Pangalawa, taun-taon ay mayroon silang reunion na ginaganap tuwing Sabado de Gloria kaya naman hindi pwedeng hindi kami makaka-punta. (May bukod na posting ako para sa reunion na ito)
Okay naman dito. Napapanatili ng mga tao ang kasagraduhan ng okasyon. Dapat naman. Isang beses lang ito nangyayari sa isang taon. Ang mga outing naman at pag-punta sa beach ay pwedeng gawin kahit anong araw ng summer.
Bahagi ng ginawa naming pagninilay ay ang pagsama sa prusisyon ng libing na ginagawa sa hapon ng Biyernes Santo pagkatapos ng isang Banal na Misa.
Kumpara sa mga nakikita nating imahe ng nakapakong Hesus, ang isang ito ay kakaiba. Tadtad ng mga sugat ang buong katawan nito at kung titingnan mo ang mga sugat na ito ay parang totoong-totoo. Marahil, sumisimbulo ito sa dami ng kasalanan ng tao.
Ang imaheng ito sa prusisyon ang isa sa nakatawag sa akin ng pansin. Siya si Sta. Juana ni Cusa. Yun ang nakalagay dun sa karo. Makikita mo sa mukha niya ang pagkalungkot sa pagkamatay ng poong si Hesus.
Ang aming mga pamangkin kasama ang tatlo kong anak na sina Jake, James at Anton bago magsimula ang prusisyon. Hanga naman ako sa mga batang ito. Nakaya nilang lakarin ang napakahabang prusisyon na tumagal ng mga 3 oras.
Ang imahe ng patay na si Hesus
Ang aking asawang si Jolly at ang aming kaibigang si Jorina habang naglalakad sa prusisyon. Kasama di dito ang aming mga pamangkin.
Sa dami ng nakibahagi sa prusisyon, nagkaroon ng traffic sa kahabaan ng daan. Natigil ng mga ilang minuto ang prusisyon at doon namin sinamantala na maupo muna sa tabi ng daan.
Sabi nga ng kaibigan naming si Jorina, napaka-memorable daw ang Holy week na ito para sa kanya. At nagpapasalamat siya ang naisama namin siya dito sa bayan ng aking asawa.
Sa kabuuan, isang makabuluhang semanta santa ang aming naranasan sa San Jose Batangas. Sana taglayin ito maging ng aming mga anak sa darating pang mga panahon.
MALIGAYANG PASKO NG PAGKABUHAY SA LAHAT!!!!
Comments