SUMMER 2010 - BOCAUE, BULACAN


Last Sunday April 18, 2010, nangyari ang annual summer swimming ng pamilya. Hindi ko na matandaan kung anong year nagsimula ang summer swimming na ito. Siguro mga 12 or 15 years na ito namin ginagawa. Kadalasan, sa isang private pool kami sa Pandi, Bulacan at minsan naman ay sa isang private resort sa Bataan.
Basta ambag-ambag o kaya naman ay share-share sa pagkain. May nagdadala ng ulam, yung iba naman ay drinks. As in ang daming pagkain na aming pinagsasaluhan

Isang six wheeler na truck ang ginagamit naming sasakyan papunta sa resort. Ang saya-saya naman at mapa-bata o matanda man ay sama-sama dito.

Ayan di na maipinta ang mukha ng tatlo kong anak...hehehe. Medyo na-delay kasi ang lakad namin dahil may hinintay pa kaming ibang kasama.

Pag-dating sa resort, syempre prepare muna ang mga pagkain na aming kakainin. Ang asawa kong si Jolly at mga pamangkin kong sina Rochelle at Leah ang nag-tuhog ng hotdog para sa mga kids.

Ang kapatid kong si Shirley, Ate Susan at Ninang Neneng naman ang nag-tuhog ng barbeque at naghanda ng mga iihawing liempo.

At syempre, tulong-tulong ang lahat sa pag-iihaw. In blue ang aking pinsang si Girlie at in orange naman ang pinsan kong si Ate Precy. In the picture also, Raymond yung naka-hubad, Joy na naka-peace sign, at Salve sa likod.

Ang hotdog at barbeque nasa ihawan pa lang ay may naka-abang na....hehehehe.


Ang mga iniihaw na pagkain: Hotdog, barbeque, liempo at tilapia. Mayroon din palang halabos na hipon, tinolang manok at adobong chicken feet sa gata.

Ang sarap ng liempong yan....medyo spicy ng kaunti. Kita nyo ba yung siling pula?

Para sa meryenda, may nilutong biko (nasa itaas) at pancit bihon guisado (nasa ibaba).

Ang sarap ng pancit na ito. mayroon pang toppings na chicharon at scrambled egg.


Enjoy lahat sa pagkain. In the pict from right: Nakaupo...Uncle Dom, Tita Virgie, Tita Lagrin, Kuya Boyet. Nakatayo: Ate Susan, Kuya Boy, Girlie at Ate Precy.

Ang tatlo kong anak na sina Jake, James at Anton enjoying the water with thier cousins. Yun palang tunog ng pool ay fresh water. Wala itong kahalong clorine. Basta pinapalitan nila ang tubig ng bago kung may mag-re-rent. Yung pinag-gamitan naman na tubig ay sa palaisdaan ng tilapia nila itinatapon.

Ang mga bagets. Kay bilis talaga ng panahon....nung dati ang liliit pa ng mga ito. Ngayon, mga dalaga at binata na sila. From left: Alyssa, Giana, Cedric, Serene, Eric, Jenica at Ervin.

Enjoy ang lahat sa fresh at malamig na tubig ng pool.

Ano ito? pila sa bigas? hehehehe


Natapos ang swimming at naghanda na sa pag-uwi ng mga bandang 5pm. Eto ang mga anak ko, bagod sa maghapong swimming. hehehehe.
Enjoy ang lahat sa taunang swimming na ito. Sana lang ay magpatuloy ito sa mga darating pa na panahon para mas lalo pang mapagbuklod ang aming mga pamilya at mas lalo pang tumibay ang aming mga samahan. Sana ang mga batang ito ay baunin nila sa kanilang paglaki ang kaugalian na ito na ginagawa namin taon-taon.
See you next year!!

Comments

Raymond said…
enjoy tlga ang summer outing!
from the fresh water na swimming pool to the food (ihaw-ihaw) sarap!

salamat tito den for sharing...
Dennis said…
Oo nga...sana lang hanggang sa kapo-apuhan natin ay magpatuloy ito.
Anonymous said…
Hello po...taong ko lang po ung saan private resort ito and how much po or meron po ba kayong contact number? Thank you po..

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy