TUNA STEAK ALA POBRE
Last Thursday, nakabili ako ng murang tuna fillet sa Farmers market sa Cubao. Yung kilo nabili ko lang ng P229. Pangkaraniwan kasi dati umaabot ng P280 to P300 ang kilo nito. Sabi nga nung tindero, mura ngayon ang tuna kasi daw maraming hindi nai-export lalo na sa parteng Europe dahil dun sa bulkan na sumasabog sa Iceland. Kaya ayun flooded sa nga palengke ang mga good quality na tuna.
2 Slices lang itong niluto ko na tuna steak. Kinuha ko lang ito dun sa niluto ko na Tuna fillet with white sauce na pinaluto ng asawa kong si Jolly na dadalhin niya sa clinic nila sa Alabang. Bale dun sa 1 kilo na nabili ko, 3 dishes ang nagawa ko.
At eto nga ang entry natin for today. Isang simpleng dish na napakasarap. Try it.
TUNA STEAK ALA POBRE
Mga Sangkap:
2 slices Fresh Tuna
1/2 cup Soy Sauce
1 tbsp. Rice wine
2 tbsp. Worcestershire sauce
3 tbsp. brown sugar
1 head Minced Garlic
4 tbsp. Olive oil
1 large White Onion cut into rings
salt and pepper to taste
1 tsp. Cornstarch
1/2 tsp. Maggie magic Sarap
Paraan ng pagluluto:
1. Timplahan ng asin at paminta ang tuna. Hayaan muna ng mga 30 minuto.
2. Sa isang non-stick na kawali, i-prito ng mga 15 segundo ang hiniwang sibuyas. Hanguin sa isang lalagyan.
3. I-prito din ang bawang hanggang sa mag-golden brown. Hanguin sa isang lalagyan.
4. I-prito na din ang tuna slices hanggang sa pumula ang magkabilang side. Hanguin muna sa isang lalagyan.
5. Sa parehong kawali, ilagay ang toyo, rice wine at worcestershire sauce
6. Timplahan ng maggie magic sarap, paminta at brown sugar. Hayaang kumulo.
7. Ilagay ang tinunaw na cornstarch para lumapot ang sauce.
8. Tikman at i-adjust ang lasa.
To assemble, ibuhos ang sauce sa ibabaw ng piniritong tuna at lagyan ng piniritong sibuyas at bawang sa ibabaw.
Ihain kasama ang mainit na kanin.
Enjoy!!!!
Comments
Thanks
Dennis
Di lang naman ako marunong magluto....marunong din ako maglaba...mamalantsa...maglinis ng bahay....magalaga ng mga bata....all around ako. Hahahahaha
Dennis
Thanks Tatess :)