ADOBONG ATAY NG MANOK AT KANGKONG
Here's a simple dish na talaga namang gustong-gusto ko. Eto nga, kahit na bawal sa akin ang atay ng manok o anumang laman-loob ay kinakain ko pa rin....hehehehe. Masarap eh. Inom na lang ng gamot....hehehe.
Ito ang mainam na lutuin kung nagmamadali ka. Siguro in 15 minutes tapos ka na. Wala naman kasing dapat palambutin pa. Basta naka-kulo na ang niluluto mo at natimplahan na ay okay na.
ADOBONG ATAY ng MANOK at KANGKONG
Mga Sangkap:
1/2 kilo Atay ng Manok
2 taling kangkong (kunin lang yung dulong bahagi)
1 head minced garlic
1/2 cup Suka
1/2 cup Toyo
1 tbsp. brown sugar
1 tsp. Ground Black Pepper
1 tsp. cornstarch
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang non-stick pan, igisa ang bawang hanggang mag-golden brown ang kulay. Hanguin sa isang lalagyan.
2. Ilagay ang atay ng manok at timplahan ng paminta, toyo at suka. Hayaang maluto hanggang sa mangalhati ang sabaw.
3. Ilagay ang brown sugar at cornstarch na tinunaw sa 1/2 cup na tubig.
4. Tikman at i-adjust ang lasa.
5. Huling ilagay ang kangkong. Halu-haluin hanggang sa maluto ito.
Hanguin sa isang lalagyan at budbudan ng toasted garlic sa ibabaw.
Enjoy!!!!
Comments
Thanks Tatess