ALAYAN sa TUKLONG
Dito sa atin sa Pilipinas, ang buwan ng Mayo ay ang panahon ng pag-aalay ng bulaklak sa ating Mahal na Birheng Maria. Tinatawag itong Flores de Mayo at sa iba naman ay Sta. Krus de Mayo.
Sa bayan ng aking asawa sa San Jose Batangas, patuloy pa din itong ginugunita sa simula pa lamang ng Mayo. Sa amin sa Bulacan ay may 9 na araw na nobena. Pero dito sa lugar ng aking asawa, buong buwan ng Mayo sila nag-aalay ng panalangin at bulaklak sa Mahal na Ina. Tuklong pala ang tawag sa chapel o maliit na simbahan dito sa Batangas.
Pagkatapos ng pagdarasal ng Sto. Rosario ay nag-aalay ng bulaklak ang mga kabataan at pati na din ang katandaan. Sa saliw ng isang awitin, luluhod ang mag-aalay at sa pag-awit ng korus ng kanta ay tatayo at ilalaghay ang bulaklak sa altar.
Pagkatapos ng alay ay nagpapakain ang kung sino man ang sponsor sa araw na yun. At kami nga ang na-toka na manguna nitong nakaraang Mayo 1.
Comments