BARAKO COFFEE JELLY
Hindi ko sana ipo-post ang entry na ito. Hindi kasi maganda ang pagka-kuha ng picture. Di ba nagloloko na nga ang digicam ko ngayon. Also, may ilang pagkakamali ako na nagawa habang ginagawa ko ito and ofcourse iko-correct ko yun sa procedure na ibibigay ko ngayon dito.
Hindi ko matawag na panacotta ang dessert na ito kasi wala naman akong cream na inilagay. Kaya simpleng barako coffee jelly na lang ang ipinangalan ko dito.
Yes, kapeng barako as in kapeng Batangas ang ginamit ko dito to flavor ang gelatin. Iba ang naging dating nito nung matikman ko na ang finished product. Try it.... masarap na dessert ito at nakakatanggal talaga ng umay matapos kang kumain ng medyo marami. hehehehe
BARAKO COFFEE JELLY
Mga Sangkap:
2 bars White colored Gelatin
7 cups of water
2 tbsp. Kapeng barako (lutuin o pakuluan sa 6 na basong tubig + 1 cup of brown sugar)
1 can Alaska condensed milk
Sugar to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Pakuluan ang tubig sa isang kaserola. Kapag kumulo na, ilagay ang hinimay na gelatin bar lagyan ng mga 2 tasang asukal. Halu-haluin.
2. Ilagay muna sa isang lalagyan ang 1/3 ng nilutong gulaman.
3. Dun sa 2/3 sa natira, ilagay ang Alaska condensed milk. Halu-haluin at kayaang kumulo ng kaunti.
4. Sa mga llanera o maliliit na mga bowl, ilagay ang 1/2 ng nilutong sangkap. Palamigin para mabuo ng kaunti.
5. Yung natirang sangkap pa...lagayan naman ng 2 tasang nilutong kapeng barako. Halu-haluin.
6. Isalin ulit ito as a second layer dun sa white na nilutong gelatin. Make sure na medyo buo na ang ibabaw nito bago ibuhos ang milk/coffee mixture. Palamigin muli.
7. Isalang muli ang kaserola sa kalan at ilagay ang 1/2 na gelatin mixture na unang hinango.
8. Lagyan ulit ng 2 tasang nilutong kapeng barako. Maaring lagyan pa ng asukal kung nais.
9. Isalin muli as the 3rd layer na ng inyong gelatin ang pangatlong mixture. Again tiyakin na medyo buo na ang 2nd layer bago ilagay ang 3rd.
10. Palamigin ito hanggang sa mabuo na ang gelatin.
11. Padaanan ng kutsilyo ang gilid ng llanera para madaling itaob sa lalagyan. Dahan-dahan lang ang pagtaob para hindi maghiwa-hiwalay ang tatlong layer ng gelatin.
Maaring lagyan ng caramel or chocolate syrup ang ibabaw bago ihain.
Enjoy!!!
Comments