BEEF and ASPARAGUS in OYSTER SAUCE



Mahirap din pala ang food blogging. Syempre dapat mga fresh ideas or recipes ang pino-post mo. Or yung mga recipes na dati na may twist na kasama. Otherwise, baka tamaring bumisita ang mga regular visitors mo.

And it’s a challenge for me to think ng mga recipes na lulutuin ko at ipo-post sa blog na ito. Madalas nag-che-check ako sa Internet for new recipes tapos binabago ko nalang yung ibang sangkap at paraan ng pagluluto.

Kagaya nitong entry ko for today. Napaka simple. Pero ang ginawa ko naman dito ay binago ko ang pamamaraan ng pagluluto. Ang resulta? Masarap pa din.


BEEF and ASPARAGUS in OYSTER SAUCE

Mga Sangkap:

1/2 kilo Thinly Sliced Beef

150 grams Asparagus cut into 1 inch long

1/2 cup Oyster Sauce

1/2 cup Soy Sauce

1 large White Onion sliced

5 cloves minced garlic

1 thumb size ginger sliced

1 tbsp. brown sugar

1 tsp. Sesame Oil

salt and pepper to taste


Paraan ng pagluluto:

1. Timplahan ang baka ng asin, paminta at toyo. Hayaan ng mga 15 minuto.

2. Sa isang kaserola, lutuin ang binabad na baka kasama ang marinade mix at 2 tasang tubig hanggang sa lumambot. Maaring lagyan pa ng tubig kung kinakailangan.

3. Sa kalagitnaan ng pagluluto, ilagay ang bawang at luya.

4. Kung malambot na ang karne, ilagay ang asparagus, oyster sauce at ginayat na sibuyas. Halu-haluin. Dapat kakaunti na ang sauce pag inilagay na ang mga sangkap na ito.

5. Timplahan ng brown sugar at i-adjust ang lasa.

6. Lagyan ng sesame oil at saka hanguin sa isang lalagyan.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

We Ate This! said…
Mukhang masarap itong beef recipe mo. Bihira lang ako kumain ng beef pero ang mister ko ay paborito ang beef. Naiisip ko, mukhang masarap din na replacement sa asparagus ang broccoli. Ano sa tingin mo?
Dennis said…
Tama ka dyan....actually dapat broccoli ang ilalagay ko dyan kaya lang naisip ko may entry na ako na ganun. Beef with broccoli. Nang makita ko ang fresh na asparagus sa palengke hindi ako nagdalawang isip na ipalit yun sa broccoli.

:)
Unknown said…
Imaginative kayo sa recipes nyo. I visit your blog almost everyday. Parang dyaryo ko na haha. Keep up the good work.
Dennis said…
Thanks Vanessa.... :)

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy