CHICKEN, POTATOES and CASHIEW NUTS in LIVER SAUCE

Sa totoo lang, hindi ko alam kung may recipe na ganito talaga. Wala kasi akong maisip na luto sa manok na nabili ko nitong isang araw. Basta tumingin lang ako sa fridge at sa cabinet namin kung ano pa ang available na pwedeng ilahok sa ulam. At eto nga, may nakita akong patatas, liver spread at cashiew nuts na bigay naman ng aking kapitbahay nitong isang araw.

Ang paraan ng pagluluto ay naiba din kumpara sa pangkaraniwang gisa-gisa. Ginamit ko din dito ang natirang toasted garlic na ginamit ko dun sa adong atay ng manok na niluto nung isang araw.

Ang resulta? Masarap. Hindi ko ma-explain.....pero hindi naman yung mapapatalon ka sa sarap ha...hehehehe. Kung baga, kakaiba ang lasa kumpara sa karaniwan na kinakain natin.

Subukan nyo din.... :)


CHICKEN, POTATOES and CASHIEW NUTS in LIVER SAUCE

Mga Sangkap:
1 kilo Chicken legs (Hiwain na parang pang adobo)
1 large Potato cut into cubes
1/2 cup Toasted Cashiew nuts
2 large White Onion sliced
1 tsp. Garlic powder
3 tbsp. Soy sauce
1 tsp. Maggie magic Sarap
1 tbsp. Toasted garlic bits
1 small can Reno Liver spread
salt and pepper to taste

Paraan ng Pagluluto:
1. Timplahan ang manok ng asin at paminta. Hayaan ng mga 15 minuto.
2. Sa isang non-stick pan, i-prito ang sibuyas sa kaunting mantika hanggang sa mag-caramelized o mag-brown ang kulay. Hanguin sa isang lalagyan.
3. Sa parehong kawali, ilagay ang manok at patatas. Takpan at hayaang maluto ang manok. Maaring lagyan ng tubig kung kinakailangan.
4. Kung malapit ng maluto ang manok, ilagay ang toyo, liver spread, garlic powder, kalhati ng cashiew nuts, toasted garlic bits at maggie magic sarap. Halu-haluin. Hayaan hanggang sa umunti na ang sauce.
5. Tikman at i-adjust ang lasa.
6. Hanguin sa isang lalagyan at ilagay sa ibabaw ang piniritong sibuyas at ang natitira pang cashiew nuts.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

☺lani☺ said…
Wow, original recipe! for sure masarap yan kasi may liver spread!
Cecile said…
yum, sarap naman; sa tingin pa lang :-)
FoodTripFriday said…
Madalas din yan mangyari sa akin, kung kailan ako naninimot ng laman ng ref, saka ako nakakaimbento ng masarap, lol!
Dennis said…
@ lani.....siguro original recipe ito...basta tambog-tambog lang ang ginwa ko eh....hehehe. Masarap ito pag kinabukasan na kinain...parang adobo....mas malasa na yung laman ng manok.

@ Cecile....liver spread tapos cashiew nuts? papaanong di sasarap yan....hehehehe.

@ FoodTrip Friday....sinabi mo.....hahahaha. Sabi nga ng anak ko....ano yan daddy? experiment na naman? hahahaha

Salamat sa inyong lahat..

Dennis
charmie said…
masarap tingnan for sure masarap talaga yan..
Dennis said…
Thanks Charmie....try it para matikman mo din. :)


Dennis

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy