CREAMY CHICKEN MUSHROOM


Nagustuhan nyo ba yung entry ko na Pan-fried Chicken Breast Fillet with Mushroom Gravy? Well, sobrang nagustuhan ito ng aking asawang si Jolly at ng kanyang mga ka-officemate. Syempre, natutuwa naman ako kapag may mga positive comments sa mga niluluto ko.

Eto na, nag-request ang mga kaopisina ng asawa ko sa Alabang na mag-dala siya ng food na luto ko pagpunta niya doon. Dun kasi siya na-assign. Nag-isip tuloy ako kung ano nga ba ang pwedeng iluto para sa kanila. At dito lumabas ang idea ng entry natin for today.

Ang gusto sana ng asawa ko ay katulad nung luto ng breast fillet. Kaso, wala nang panahon para makabili pa ng mga sangkap. Kaya kung ano ang available sa kitchen, yun na lang ang ginawa ko. Nakakatuwa naman, dahil tumawag pa at nagpasalamat ang mga officemate ng asawa ko. Nagustuhan daw nila....biniro ko pa nga sila na....sa susunod may bayad na....hehehehehe.

Try nyo ito. Masarap ito i-ulam sa kanin at pwede din na ihalo sa inyong paboritong pasta.


CREAMY CHICKEN MUSHROOM

Mga Sangkap:

4 pcs. Chicken legs cut into serving pieces

1 tetra brick All Purpose Cream

1 big can Whole Button Musroom (hiwain sa dalawa)

5 cloves minced garlic

1 large White Onion chopped

1/2 cup butter

1 tsp. Maggie magic Sarap

5 pcs. Calamansi

Salt and pepper to taste



Paraan ng pagluluto:

1. Timplahan ang manok ng asin, paminta at katas ng calamansi. Hayaan ng mga 15 minuto.

2. Sa isang non-stick pan, i-prito ang manok sa butter hangang sa pumula ng bahagya ang magkabilang side nito. Hanguin sa isang lalagyan.

3. Sa isang kaserola, isalin ang butter na pinag-prituhan ng manok.

4. Igisa dito ang bawang at sibuyas.

5. Ilagay ang piniritong manok at sabaw ng canned button mushroom. Takpan at hayaang kumulo at maluto ng mga 15 minuto.

6. Ilagaya ang sliced button mushroom at all purpose cream. Halu-haluin.

7. Ilagay ang maggie magic sarap. Tikman at i-adjust ang lasa.


Ihain habang mainit pa.


Enjoy!!!!

Comments

J said…
Creamy chicken mushroom... title pa lang nagutom na ako hehehe.
Lady Patchy said…
lutuin ko ito mamaya for hubby.thanks
Dennis said…
Hi J....sinabi mo...hehehe. Yummy talaga.
Dennis said…
Tatess...balitaan mo ako kung ano ang vedict ng hubby mo....hehehe
Lady Patchy said…
nailuto ko na same day din for our lunch.di ko lang muna ma ipost at yung ginamit kong camera ay yung Nikon DLSR ni hubby at mukhang mali ang mga shot at di pa ko marunong mag upload .wait kong siya mag ayos.

Anyway ,whole chicken ang ginamit ko at winner nga .nagustuhan ni hubby at mga anak ko lalo na si bunso na masyadong picky ang daming nakain.at pati friend ko nakatikim at gustong gusto nya ha!.

Natry ko na din pala ito dati pa sa beef wala nga lang mushroom at sabaw nito at masarap din pero mas masarap itong version mo.hinahanap ko nga ang picture.

salamat sa mga recipe mo .balak kong iluto pag uwi ko ng pinas para matikman ng mga kapatid ko.
viviene said…
galing =D will try this tomorrow... =D i have something planned already for tonight eh.. parang ang dali hehhhehe

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy