CREAMY MANGO CHICKEN

Natatandaan nyo ba yung mango salsa na ginawa ko last mothers day? Oo. May natira pang mangga at ito agad ang naisip ko na gawing luto sa 4 na hitang manok na nabili ko.

Lalagyan ko sana ng gata ang dish na ito pero nagbago ang isip ko ng makita ko ang evaporated milk sa aming cabinet. Also, to add more flavor sa dish, nilagyan ko pa ito ng curry powder.

Hindi ko alam kung may ganito talagang recipe. Basta ang masasabi ko lang, masarap at kakaiba ang lasa. Tamang-tama yung tamis at alat...at yung medyo spicy ng konti dahil sa curry powder.

Try nyo ito


CREAMY MANGO CHICKEN

Mga Sangkap:
4 pcs. Chicken Legs (hiwain ang bawat leg sa dalawa)
2 pcs. Hingo na Mangga (hiwain ng pa-strips)
1 tsp. Curry powder
1 small can Alaska Evap (red label)
1 tsp. Ground Black pepper
4 cloves minced garlic
1 large White Onion Chopped
salt to taste

Paraan ng pagluluto:
1. Timplahan ang manok ng asin at paminta. Hayaan ng mga 30 minuto.
2. Sa isang non-stick pan, ihilera ng ayos ang mga hiniwang manok. Yung parte na may balat ang dapat nasa ilalim para maglabas ng mantika na kailangan para ma-prito ang manok.
3. I-prito ang manok sa sariling mantika hanggang sa pumula ng kaunti ang magkabilang side.
4. Kung mapula na ang manok, ilagay ang bawang hanggang sa pumula din ng kaunti.
5. Isunod ang sibuyas. Halu-haluin.
6. Timplahan ng curry powder, paminta at mga 1 tasang tubig. Takpan at hayaang maluto ang manok o hanggang sa wala na tubig na inilagay.
7. Ilagay ang alaska evap. Hayaan ng mga 5 minuto.
8. Huling ilagay ang hiniwang mangga. Halu-haluin.
9. Tikman at i-adjust ang lasa.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy