A DAY @ TERRAZAS PUNTA FUEGO


Last May 14, nagkaroon ng company outing ang aking pinapasukang opisina na Megaworld sa Terrazas De Punta Fuego sa Nasugbu, Batangas. Maagang umalis ang bus na aming sinakyan sa opisina namin sa Makati. Kamuntik na nga akong maiwanan.....hehehe. 5:15am ay umalis na nga at dumating naman kasi sa punta fuego ng mga 8:30am na.

Pagdating namin sa main gate ng lugar ay naghintay pa kami ng ilang minuto dahil ihahatid pa kami ng shuttle na jeep pababa na sa beach. Ang larawan sa itaas ang bumati sa amin sa aming pagdating doon.

Syempre, picture picture ang unang eksena. hehehehe. Pwede ba namang palampasin ang magagandang tanawin na ito?

Bake Macaroni, french toast at ice tea ang inihain sa amin na AM snack. Masarap ang pagkain. Napansik ko na ang chef nila doon ay isang foreigner. Kaya tingnan nyo ang kinainan ko, ubos talaga...hehehehe

Pagkakain namin ng snack, talaga namang sugod agad kami sa mga activities na pwedeng gawin. Nagpa-henna muna kami at saka namin sinubukan ang kayak. Enjoy talaga dito.

Enjoy sa swimming at sa malinis at malamig na tubig ng dagat. Sa picture pala ang mga staff ko. From left: Ako, si Edward, Lerie at Norbert.

Okay ba? pigil ang hininga ko dyan.....hahahahaha.

Syempre ang masarap na lunch na inihanda. May vegetable salad as the appetizer. May mixed vegetables, fish fillet in lemon, shicken stew at lechong kawali. Sarap talaga.
For the dessert, leche plan naman at fruit salad.

After mabusog, eto pahangin kami sa lilim ng puno sa tabi ng dagat.

Hindi ako nakasama sa banana boat ride. Hanggang lima lang kasi ang pwede. Tutal naman na-try ko na ito, hinayaan ko na lang sila ang sumakay. Yung second from right pala ay si Richard na staff ko din.

For the afternoom snack, seafood pancit guisado naman at toasted bread naman ang inihanda nila. Masarap yung pancit kahit na hindi gaanong maraming sahog. Sa palagay ko nilagyan nila ng sesame oil ang pancit para lalong sumarap. Si Ian yung nasa kaliwa. Seafood pasta ang PM snack niya. Espesyal di ba? Muslim kasi siya kaya may special arrangement para sa food niya. Staff ko din siya.

Umalis kami ng beach mga 3:30 ng ng hapon. Kailangan na naming umalis dahil malayo talaga ang biyahe. Bitin....yes....sa mas mahabang oras pa pa kami dito.

By membership ata ang lugar na ito. Salamat sa Megaworld at kahit papaano ay naranasan namin ang ganitong pagkakataon kahit sa ilang oras lamang. I hope maisama ko din dito ang aking asawang si Jolly at ang aking tatlong anak sa darating na panahon.
Malay mo...tumama ako sa lotto....hehehehe.
Till next.....

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy