FRENCH TOAST with THYME and GARLIC BITS
Dahil sa init ng panahon natin ngayon dito sa Pilipinas, ang daling mapanis ang kanin na niluluto natin kung natitira lang. Sayang talaga, ang mahal pa naman ng bigas ngayon. Kaya naman dapat ay yung tamang-tama lang ang ating lulutuin.
Kagaya nitong isang umaga, sa halip na magsaing pa ako, gumawa na lang ako ng french toast. Although mas madali ang magsaing, inisip ko na magluto nito para maiba naman ang breakfast naming mag-asawa.
And for a twist sa masarap nang french toast, nilagyan ko ito ng thyme at toasted garlic bits. Ang kinalabasan? winner ang breakfast naming mag-asawa. Masarap ito with hotdogs, bacon or corned beef. At syempre ang mainit na kape. hehehehe.
FRENCH TOAST with THYME and GARLIC BITS
Mga Sangkap:
7 Slices of White bread or Whole wheat bread (hiwain sa gitna ng pa-triangle)
2 eggs beaten
1 cup Alaska evaporated milk
1/2 tsp. Thyme
1 tbsp. Toasted Garlic
salt and pepper to taste
Paraan ng Pagluluto:
1. Sa isang bowl, paghaluin ang lahat ng sangkap maliban sa bread.
2. Sa isang non-stick pan, lagyan ng kaunting mantika o butter.
3. Ilubog ang slice bread sa pinaghalong sangkap at saka i-prito sa mainit na kawali. Dapat mahina lang ang apoy para hindi agad masunog at maluto din ang loob ng tinapay. Baligtarin kung sa tingin nyo ay luto na ang kabilang side.
4. Hanguin sa isang lalagyan.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!
Comments
I am late with my entry but hope you can still take a peek at Spice up your Life
@ luna miranda....hehehe. May gusto pa akong i-try. Katas ng dahon ng dayap naman ang ihahalo sa egg-milk mixture. Mukhang masarap..hhehehe
@ Cecile....Thanks...yummy talaga...hehehe
@ chubskulit....Thanks...sige visit ko din ang blog mo.
Dennis