FRIED CHICKEN in 5 SPICE POWDER


The last time na nag-groceries ako, ewan ko kung bakit basta dinapot ko na lang itong 5 spice powder na nakita ko sa herbs and spices section ng SM supermarket. Although, may nababasa na akong recipe na may sangkap na ganito, hindi ko pa rin nasubukan kung ano ang kakalabasan ng pagkain na may ganito. Actually, walang akong idea kung saan ito gagamitin.

Until last night, wala akong maisip na luto sa 3 pcs. na chicken legs na nabili ko nitong isang araw. Doon ko naisip itong 5 spice powder na nabili ko. Why not? So, ito nga ang ginamit ko na pang-marinade sa planong kong fried chicken at hindi naman ako nabigo. Masarap at kakaiba ang lasa ng fried chicken na lunch ko kanina lang....hehehehe.


FRIED CHICKEN in 5 SPICE POWDER

Mga Sangkap:

3 pcs. Chicken legs
1 tbsp. 5 Spice Powder

1 tsp. Garlic Powder

1 tsp. maggie magic sarap (optional)

salt and pepper to taste

2 cups cooking oil


Paraan ng pagluluto:

1. Hiwaan o gilitan ang chicken legs sagad hanggang sa buto.

2. I-marinade ang manok sa asin, paminta, 5 spice powder, garlic powder at maggie magic sarap. Hayaan ng mga 1 oras o higit pa. Overnight mas mainam.

3. Dampian ng paper towel ang manok bago i-prito.

4. I-prito ito sa kumukulong mantika sa katamtamang lakas ng apoy hanggang sa pumula/mag-golden brown o hanggang sa maluto ang manok.

5. Hanguin sa isang lalagyang may paper towel para maalis ang excess na mantika.

Ihain kasama ang inyong paboritong banana o tomato catsup.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy