LONGANISA with a TWIST
The last time na magawi ako sa Rustans Supermaket sa may Cubao, napansin ko itong bagong player sa food processing business sa may frozen section. MTC ang pangalan. Nakalimutan ko yung buong pangalan ng company, basta ang natatandaan ko lang yung MTC sa packaging niya.
Marami silang product. May ham, bacon, hotdogs, etc. at isa na nga dito ay itong entry natin for today. Breakfast Sausage ang naka-label sa packaging, pero sa tingin ko ay longanisa lang ito. Ang pagkakaiba nga lang nito ay mas pino ang laman nito as compare dun sa nabibili natin sa palengke na medyo mataba at buhaghag yung laman. Ito parang sausage talaga. Pino ang laman at tamang-tama ang lasa.
Para naman maiba sa ordinaryong prito na luto nito, ginawan ko ng kaunting twist ang longanisang ito. Take note lang. I'm not sure kung uubra ang recipe na ito dun sa longanisa na nabibili sa palengke. Pero kung gusto ninyo maaari nyo ding i-try.
LONGANISA with a TWIST
Mga Sangkap:
250 grams Longanisa sliced
1 cup Del Monte Sweet tomato catsup
3 cloves minced garlic
1 medium white onion chopped
1/2 tsp. Dried basil
2 tbsp. Olive oil
Salt and pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang non-stick pan, igisa ang bawang at sibuyas sa olive oil.
2. Ilagay ang hiniwang longanisa. Halu-haluin hanggang sa maluto ito.
3. Ilagay ang tomato catsup at dried basil. Halu-haluin.
4. Timplahan pa ng asin at paminta kung kinakailangan.
Hanguin sa isang lalagyan at ihain habang mainit pa.
Masarap itong i-ulam sa sinangag o kaya naman ay ipalaman sa mainit na pandesal.
Enjoy!!!!
Comments
Thanks my friend...
salamt sa mga ideas mo.masarpa din talaga yang adobo with pinya.