MOTHERS DAY - For the Mother of my Wife
Last May 9, 2010, umuwi kami ng aking asawang si Jolly sa San Jose, Batangas para dalawin ang aming anak na nagbabakasyon doon at ipagdiwang ang Araw ng mga Ina.
Dahil espesyal na araw ito para sa mga Ina, marapat lamang na bigyang halaga ko ang Ina ng aking asawa. Ang aking biyenan na si Inay Elo. Hindi naman sa sipsip ako sa aking biyenan pero parang tunay na ina na rin ang turing ko sa kanya.
Kaya nga sa espesyal na araw na ito para sa kanya, nagluto ako ng isa sa mga pagkain paborito niya. At ito nga ang pancit palabok. Abangan nyo na lang ang posting ko for the recipe.
Nagluto din ako ng inihaw na liempo para kumpleto ang pagkain. Bumili naman ng white roses ang aking asawang si Jolly at isang espesyal na White Cake mula sa Bread talk.
Dalangin ko sa Diyos na sana ay bigyan pa sioya ng mahabang buhay para maipagdiwang pa namin ang araw na alay para sa mga katulad niya isang INA.
Mabuhay ang lahat ng mga Ina!!!!
Comments
Dennis
sorry for the late comment kasi nagloloko ang aking laptop..
di ako makapag online..
anyway,i said--napakabait mo namang son in law..
and sorry for this late comment kasi nagloloko yong laptop na ginagamit ko..
kumusta ka na,dennis?
Ok naman...eto tuloy pa din sa pag-diskubre ng mga bagong lutuin. hehehe
Regards,
Dennis