PAN-FRIED CHICKEN FILLET with MUSHROOM GRAVY
Minsang sinundo ko ang aking asawang si Jolly sa kanyang pinapasukang optical clinic, naisipan namin dun na lang mag-dinner dahil na rin sa gutom namin. 10pm pa ang labas niya sa work. Sa Glorietta sa Makati kasi yung optical clinic nila.
Nag-order na lang siya ng food sa food court ng mall na yun at chicken with asian noodles ang napili niya. Yun din ang gusto ko kasi minsan na kaming naka-kain sa food court na yun.
Masarap yung food at naipangako na gagayahin ko ang luto ng chicken na yun. At eto nga, ginaya ko na siya at ito ang dinner namin last night. Ang pagkakaiba lang pala ng niluto ko ay pinirito ko ito sa olive oil unlike yung sa fastfood na grilled. Ang verdict? Winner...lalo na yung mushroom gravy na kasama ng chicken.....hehehehe.
PAN-FRIED CHICKEN FILLET with MUSHROOM GRAVY
Mga Sangkap:
3 Whole Chicken breast fillet (pitpitin hanggang sa numipis o lumapad ang manok)
1 small can Sliced Button Mushroom (itabi yung sabaw)
4 pcs. Calamansi or 1/2 Lemon
3 cloves Minced garlic
1 small White onion chopped
1/2 tsp. Maggie Magic Sarap
salt and pepper to taste
Olice oil for frying
1/2 cup butter
2 tbsp. Flour
Paraan ng Pagluluto:
1. Timplahan ang chicken breast fillet ng asin, paminta at katas ng calamansi. Hayaan ng mga 5 minuto.
2. Sa isang non-stick pan, i-prito ang manok sa olive oil hanggang sa pumula ang magkabilang side. Hanguin sa isang lalagyan.
3. Sa parehong kawali, igisa ang bawang at sibuyas sa butter. Halu-haluin.
4. Ilagay na din ang sliced button mushroom.
5. Timplahan ng asin at paminta ayon sa inyong panlasa.
6. Ilagay ang tinunaw na harina para lumapot ang sauce
7. Lagyan ng maggie magic sarap. Tikman at i-adjust ang lasa. Maaring lagyan pa ng tubig para mai-adjust ang lapot ng gravy ayon sa inyong nais.
Ihain ang piniritong chicken breast fillet na may mushroom gravy sa ibabaw.
Enjoy!!!!
Comments
Spice Up Your Life
http://newlywedscravings.blogspot.com/
@ Chubskulit.... Actually walang kinalaman yung pipino sa dish...pampaganda lang....hehehehe. Pero ang asawa ko kinakain niya yun together with the chicken....hehehehe
@ Luna Miranda....Ano yun isinabaw ang gravy? hehehehe...parang sa KFC ano ginagawang soup ang gravy....hehehehe.
@ A match made in heaven......Thanks....simple but delicious gravy.
Sa inyong lahat....salamat sa pagbisita.
Dennis
http://bakepotato.blogspot.com/2010/05/hot-dog-and-burger-steak.html
Here's mine pala:
My Food Trip: Buttered Shrimps
See yah?... :)