PINATUYONG KAMIAS


Last week nang dalawin ko ang aking mga anak sa bahay ng biyenan ko sa Batangas, napansin ko itong mga pinapatuyong kamias sa harapan ng bahay. Hindi ko alam kung ano ang gagawin dito. Ang alam ko kasi, ang fresh na kamias ay ginagamit na pang-asim sa sinigang o kaya naman ay ginagawang jam or minatamis.

Nung time na magluluto na nag ulam na panghapunan, tinanong ko kung ano ang ulam. Ang sabi nila paksiw daw na galunggong. Nang tingnan ko ang isda, niluto ito sa palayok at may nakahalong pinatuyong kamias. So, pwede pala yung ganun sa mga lutuin.

Parang hindi solve sa akin yung ganung luto, kaya naman inutusan ko yung helper na mag-prito ng ilan. Sa isda kasi mas gusto ko yung prito para hindi ko masyadong malasan yung lansa ng isda.

So nag-prito nga ng ilan ang helper and to my surprise naging mas masarap ang ordinaryong hamak na galunggong. Wala siyang lansa at malinamnam ang laman ng isda. Di ko pala nasabi na medyo maliliit yung galunggong na sinasabi ko. Siguro kung mas tostado pa ang pagkaluto ay tiyak kong mas masarap ito. Tapos may sawsawang suka na may sili….panalo ang kainan talaga.

Kaya nung bumalik ako ng Manila, ni-request ko sa aking biyenan na ipag-balot ako ng mga pinatuyong kamias para magamit ko din sa aking mga lutuin. Abangan nyo na lang yung posting ko sa dish na may dried kamias.

‘Till next…..

Comments

gengen said…
I miss this...happy FTF!

Mine is here
Lady Patchy said…
masarap yang pinatuyong kamias sa sinaing na isda.
Sheren-May said…
can't find dried kamias so lagi naming gamit fresh. truly delicious pa rin.... happy FTF Dennis!
Dennis said…
@ Tatess...yun ang plano kong lutuin sa darating na mga araw....hehehehe

@ Sheren-May..... Hiwain mo lang sa apat yung fresh na kamias then pauyuin mo na sa araw.
Lady Patchy said…
madali lang magpatuyo ,ginagawa ko yan dati nung nasa pians at may puno kami ng kamias sa likod bahay .ang daming mamunga kaya pinapatuyo ko para mapakinabangan.masarap sa sinaing na tulingan .kakamis naman yang pinatuyong kamias.

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy