PORK STRIPS in BARBEQUE SAUCE

Ano ang pwedeng gawin sa mga natirang ulam katulad ng inihaw na liempo? Natitira ba ang inihaw na liempo sa alin mang kainan? Hehehehe….hindi siguro sa amin…..hahahaha. Kapag iniihaw mo naman hindi na rin ito masarap di tulad ng bago itong luto.

Dalawa ang naiisip kong pwedeng gawin sa natirang inihaw na liempo. Una, pwede mo itong haluan ng kangkong na ginisa sa bawang at sibuyas na may kaunting toyo at suka. Parang inadobo mo or stir fry.

Pangalawa ay lagyan ito ng barbeque sauce. Dito sa pinapasukan ko sa Makati, pag-lunch, may nagtitinda ng mga lutong ulam at isa na dito ang Pork Strips. Gustong-gusto ko ang pagkaluto nila nito dahil tamang-tama lang ang asim, tamis at anghang ng sauce. Lasang-lasa mo din yung smokey taste ng inihaw na baboy.

So ito nga ang ginawa kosa mga ½ kilo pang inihaw na liempo na natira sa amin last Sunday.


PORK STRIPS in BARBEQUE SAUCE

Mga Sangkap:
½ kilo Inihaw na Liempo (Hiwain ng pahaba)
1 cup Barbeque Sauce
5 cloves Minced Garlic
1 large White Onion chopped
½ cup Soy Sauce
1 tsp. Ground Black pepper
1 tbsp. Brown sugar
3 pcs. Siling pang-sigang
Salt to taste

Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang non-stick na kawali, igisa ang bawang at sibuyas sa kaunting mantika. Halu-haluin.
2. Ilagay ang hiniwang liempo at siling pang-sigang. Halu-haluin. Ilagay ang toyo at mga 2 tasang tubig. Takpan at hayaang lumambot ang karne.
3. Ilagay ang barbeque sauce at timplahan ng asin, paminta at bown sugar.
4. Tikman at i-adjust ang lasa. Ang tamang lasa para sa akin ay yung nag-aagaw ang asim, tamis, alat at anghang ng sili.
5. Hayaan pang kumulo hanggang sa mangalhati na ang sauce.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy