PRAWN & BOKCHOY in CHILI-GARLIC and OYSTER SAUCE
Kung gusto mo ng mga fresh na seafoods kagaya ng alimango, sugpo, tuna, salmon at iba pa, Farmers market sa Cubao ang aking ire-rekomenda. Sariwa talaga ang mga seafoods dito at talaga namang marami kang mapagpipilian. Dito din humahango ng seafoods ang mga sikat na restauran dito sa Manila.
Last Friday, ito ang naisip ko na iluto para sa aming dalawa ng asawa kong si Jolly. Alam ko paborito niya ang hipon o sugpo. Kaya naman kahit may kamahalan ang kilo nito, bumili pa din ako kahit na half kilo lang.
Para naman hindi mabitin sa pangulam, nilagyan ko ito ng bokchoy o chinese pechay para pamparami or para may gulay na din.
Try nyo ito..masarap talaga....naparami nga ang kain ko....hehehehe
STIR-FRIED PRAWN & BOKCHOY in CHILI-GARLIC SAUCE
Mga Sangkap:
500 grams Prawn o Sugpo
100 grams Bok choy or chinese pechay
1 tbsp. Chili-Garlic Sauce
2 tbsp. Oyster Sauce
1 tsp. Brown Sugar
4 cloves minced garlic
1 medium size White Onion sliced
5 slices Ginger
1 tsp. Sesame oil
1 tsp. Cornstarch
salt and pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kawali, igisa ang luya, bawang at sibuyas sa kaunting mantika o butter.
2. Ilagay ang sugpo at timplahan ng asin at paminta. Halu-haluin at lagyan ng mga 1/2 cup na tubig. Takpan at hayaan ng mga 2 minuto.
3. Ilagay ang chili-garlic sauce at oyster sauce. Halu-haluin
4. Ilagay ang brown sugar at tinunaw na cornstach. halu-haluin
5. Tikman at i-adjust ang lasa.
6. Ilagay ang sesame oil bago hanguin sa isang lalagyan.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!!
Comments
Dennis\