SEAFOOD PASTA CARBONARA


Eto na yung naipangako ko na recipe ng dish na inihanda namin nung nag-sponsor kami ng alayan sa lugar ng asawa kong si Jolly.

Ito pala ang naisip kong ihanda para naman maiba kumpara sa pangkaraniwang pancit guisado o kaya naman ay spaghetti. Sa mga probinsya katulad ng sa asawa ko, espesyal ang mga ganitong klaseng pagkain. Nakakatuwa naman at nasiyahan ang mga dumalo sa alayan.


SEAFOOD PASTA CARBONARA

Mga Sangkap:

3 kilos Spaghetti pasta cooked according to package directions

1/2 kilo Shrimp (Yung frozen ang ginamit ko dito)

1/2 kilo Squid rings (same...frozen)

1/2 kilo Cream of Dory fish fillet cut into cubes

300 grams Crab stick cut into 1/4 inch thick

2 big cans Alaska Evap (yung red label)

2 tetra bricks All Purpose Cream

2 cans Sliced mushroom

1 bar Cheese grated

1 tsp. ground black pepper

1 tbsp. Dried oregano

1 head minced garlic

2 large White onion chopped

3 tbsp. cooking oil

Salt to taste

Paraang ng pagluluto:

1. Lutuin ang pasta accroding to package directions. Huwag i-overcooked. Drained at ilagay sa isang malaking mixing bowl.

2. Sa isang malaking kawali, igisa ang bawang at sibuyas.

3. Sabay-sabay ng ilagay ang shrimp, fish fillet, pusit, crab sticks at mushroom. Halu-haluin.

4. Ilagay na din ang alaska evap at cream.

5. Timplahan ng asin, paminta at dried oregano ayon sa inyong panlasa.

6. Tikman at i-adjust ang lasa.

7. Ilagay na din ang kalhati ng grated cheese.

8. Ihalo ang sauce sa pasta. Mix na mabuti hanggang sa ma-coat na lahat ang pasta.

9. Lagyan ng natitira pabng grated cheese ang ibabaw.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Note: Pang maramihan ang recipe na ito. Actually wala naman talagang eksaktong recipe. Depende na sa inyo kung gaano karaming sahog ang gusto nyong ilagay. Basta ang importante dito ay yung lasa ng white sauce.

Comments

Anonymous said…
saludo ako sa iyo kabayang dennis!madalang lang sa mga lalake ang may tiyaga sa kusina,swerti naman ng misis mo!sarap yata ng mga recipes mo!maitry nga dito sa finland.
Dennis said…
Salamat kaibigan....share mo din ang blog kong ito sa mga kababayan natin dyan sa finland....

:)

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy