SPABOK - My Own Version
Year 1997, I was assigned in AMA Computer Learning Center of Balanga sa probinsya ng Bataan as the Officer In-charge ng school. 1 semester din akong nag-work dun and ofcourse madami ako magagandang karanasan sa mga tao doon, sa kultura at maging sa mga pagkain na kinakain nila.
Isa na dito ang Spabok. Actually, pancit palabok siya. Sa ibang lugar ang tawag din dito ay pancit luglog. Marahil kaya tinawag itong spabok ay dahil sa noodles na ginamit dito. Sa halip na bihon o rice noodles na malalaki ay spaghetti pasta ang ginamit.
Halos wala naman ipinagiba ang spabok sa palabok. Yun lang iba ang texture ng noodles habang kinakain mo ito. But overall, maarap naman talaga siya.
Ito nga pala ang inihanda ko last Mothers Day para sa aking biyenan na si Inay Elo. Alam ko kasi na paborito niya ang pancit palabok. Ayun natuwa naman ang matanda at nasarapan naman sa niluto ko para sa kanya.
SPABOK - My Own Version
Mga sangkap:
1 kilo Spaghetti Pasta cooked according to package directions
500 grams Ground pork
500 grams Fresh or frozen Squid Rings
500 grams Fresh or frozen shelled Shrimp
2 cups Hinimay na tinapa
2 cup Chicharong baboy chopped
1/2 cup Kinchay chopped
2 hard boiled eggs
1/2 cup patis
salt and pepper to taste
2 pcs. Knorr Shrimp cubes
1/2 cup Achuete seeds (ibabad sa tubig)
2 heads Minced garlic
2 pcs. White onion chopped
6 slices of White bread finely chopped
1 tsp. maggie magic sarap
1/2 cup Cooking oil
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang not stick pan, i-prito hanggang sa matusta o mag-golden brown ang bawang. hanguin sa isang lalagyan.
2. Sa parehong kawali, i-prito din ang hinimay na tinapa hanggang sa maging crispy. Hanguin sa isang lalagyan.
3. Sa isang kaserola, isalin ang mantika na ginamit sa pagpiprito ng bawang at tinapa.
4. Igisa dito ang sibuyas at isunod na din ang giniling na baboy.
5. Timplahan ng asin at paminta. Hayaang maluto ang giniling.
6. Ilagay na ang hipon, pusit, knorr shrimp cubes at dinurog na tinapay. Ilagay na din ang katas ng achuete. Lagyan pa kung kinakailangan para magkakulay ang sauce.
7. Lagyan ng 2 tasang tubig haggang sa makuha ang tamang lapot ng sauce.
8. Timplahan ng maggie magic sarap at patis ayon sa inyong panlasa. Maaring ilagay ang kalhati ng piniritng bawang at tinapa.
9. Ilagay na sa sauce ang nilutong pasta noodles. Haluing mabuti hanggang sa ma-coat anag lahat ng noodles.
10. Isalin sa isang lalagyan at lagyan sa ibabaw ng natira pang piniritong bawang, crispy tinapa, ginayat na chicharon, ginayat na kinchay at hiniwang nilagang itlog.
Ihain habang mainit pa. Huwag kalimutan samahan ng hiniwang calamansi.
Enjoy!!!!
Note: Maari ding mag-prito nga kaunting hipon at pusit para maging toppings. Mas kaayaayang tingnan ang inyong palabok kung marami itong toppings sa ibabaw. Take note na kaya palabok ang tawag dito ay dahil nga sa marami itong palabaok sa ibabaw. ;)
Comments
balanga bataan po ang aking hometown,kaya dito po sa entry na ito ako nagpost ng comment,dito nyo po mention na nag work kayo sa balanga before.anyway goodluck po.sana mas madami pa kayong madevelop na masasarap na luto.