TORTANG DULONG

Last Sunday, may nakita akong sariwang isdang dulong habang namamalengke ako sa palengke ng San Jose sa Batangas. Nung makita ko ito, torta agad ang naisip kong gawing luto dito. At eto nga at i-share ko sa inyo ang recipe ng dish na ito.


Take note lang. Mapapansin nyo na walang salt sa recipe. Maalat nakasi ang isdang ito kaya hindi na kailangan pang asinan. Otherwise, sobrang alat ang kakalabasan ng torta ninyo.


TORTANG DULONG

Mga Sangkap:
½ kilo Fresh Dulong
½ cup Chopped Kinchay
1 pc. Large White Onion chopped
2 Eggs beaten
1 cup Flour
1 tsp. Garlic powder
½ tsp. Ground Pepper
1 tsp. Maggie magic Sarap
Cooking oil for frying

Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang bowl, paghaluin lamang ang lahat ng sangkap maliban sa cooking oil. Hayaan muna ng mga 15 minuto.
2. Sa isang platito, maglagay ng tamang dami ng pinaghalong sangkap. (parang gumagawa ng hamburger patties)
3. Sa isang non-stick na kawali, i-prito ito sa kumukulong mantika hanggang sa maluto at mag-golden brown ang kulay.
4. Hanguin sa lalagyang may paper towel para maalis ang excess na mantika

Ihain ito kasama ang sawsawang pinaghalong suka na may asin, paminta, sibuyas, sili at kaunting asukal. O kaya naman ay ordinaryong catsup.

Enjoy!!!!

Comments

i♥pinkc00kies said…
mom prepares this too. but i haven't tried since i dont eat dulong, hehe...
Dennis said…
Try it...it's delicious.


Dennis

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy