BEEF & POTATOES in CHEESY CREAMY SAUCE


Narito ang isang dish na tiyak kong magugustuhan ninyong lahat. It's a simple dish na talaga namang napakadaling lutuin. Simple din lang ang mga sangkap pero hindi simple ang lasa. Sabagay, ano ba naman ang hindi sasarap sa ulam na nilagyan ng cream at cheese? Tapos may dried basil pa.

Nung una hindi ko maisip kung anong luto talaga ang gagawin ko sa beef brisket na ito na nabili ko. Basta in a flash ganito na ang nangyaring luto sa baka. hehehehe.

Sa mga maybahay dyan na gustong ipag-luto ang kani-kanilang asawa sa Fathers Day, ito ang isa-suggest ko na dish. Tiyak kong mapupuri at matutuwa ang mga asawa nyo niyan.


BEEF & POTATOES in CHEESY CREAMY SAUCE

Mga Sangkap:
1 kilo Beef Brisket
2 large Potato cut into cubes
1 tetra brick All Purpose cream
1 cup Grated cheese
1 tbsp. Chopped parsley
4 cloves minced garlic
1 large White onion chopped
tbsp. butter
1/2 tsp. Dried Basil leaves
1/2 tsp. Maggie magic Sarap
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kaserola, pakuluuan hanggang sa lumambot ang karne ng baka sa tubig at asin.
2. Hanguin ito, palamigin at hiwain (slice) sa nais na laki. Itabi ang sabaw ng pinaglagaan.
3. Sa isang kawali, igisa ang bawang at sibuyas sa butter.
4. Ilagay ang hiniwang karne ng baka. Halu-haluin.
5. Ilagay ang patatas at mga 2 tasang sabaw na pinaglagaan ng baka.
6. Timplahan ng asin, paminta at dried basil. Hayaang kumulo hanggang sa maluto ang
patatas.
7. Kung malapit ng maluto ang patatas, ilagay ang cream at grated cheese.
8. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
9. Hanguin sa isang lalagyan at budburan ng chopped parsley sa ibabaw.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

FoodTripFriday said…
Happy Father's Day!!!!
Dennis said…
Thanks Foodtripfriday..... :)
♥peachkins♥ said…
Kasali ka na pala sa FTF!!
Arlene said…
Sounds masarap!

Happy weekend!
Cecile said…
looks yummy eh, try ko nga to minsan, di ako kasi fan ng creamy foods eh :-)

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy