Last June 10, tinawagan ako ng kaibigan kong si Shiela at may gusto daw kumausap sa akin. Nagtaka naman ako kung sino yun. Nang mabosesan ko, Si Dennis pala na kaibigan namin na nag-migrate na sa California.
Mga 15 taon na din na hindi kami nagkikita ng kaibigan naming ito. Mula nung magkahiwa-hiwalay kami, hindi na kami nagkita.
Nag-anyaya siya ng araw na yun na magkita-kita kami para naman daw magkabalitaan.
Sa Cafe Adriatico sa Mall of Asia niya naisipan na magkita-kita.
Kasama ang aking asawang si Jolly, nadatnan na namin sila sa Cafe Adriatico. Nadatnan namin si Tukayong Dennis, Si Franny, si Shiela at si Malou.
Order agad kami ng pagkain at gusto kong i-share sa inyo ang ilan sa mga kinain namion ng gabing yun:
Una, Lapu-lapu ito pero nakalimutan ko kung anong luto.
Ito ang isa sa nagustuhan ko. Fried Canton noodles. Masarap. Crispy talaga ang noodles at malasa ang sauce. Gagayahin ko ito sa isang araw.
Ang isa sa mga pampagana na in-order namin. Crispy hipon. Masarap. Crispy. Walang kung ano-anong flavoring. Plain lang. Ang sarap nung sawsawang suka.
Ito naman ay binukadkad na Plapla. Palagay ko minarinade ito sa lemon, asin at paminta. Masarap din. Hindi ko alam kung ano ang sangkap nung sauce mna nasa side.
Ito naman yung isa pang pampagana na in-order nila. Pusit ito na medyo spicy at matamis-tamis. Hindi ko ito masyadong nagustuhan.
Nakakatuwang kunan ng picture ang mga drinks na ito. Melon coolers at four seasons.
Talaga namang nabusog kami sa pagkain at sa maraming kwento ng gabing iyun. Yun lang, kailangan naming umuwi dahil magsasara na ang restaurant na kinainan namin.
Sana lang, dumating pa ang pagkakataon na magkita-kita pa kami at ng muling mapagsaluhan ang masayang pagkakaibigan na aming pinagsamahan ng mahabang panahon.
Kay tukayong Dennis....salamat sa gabing iyun ng ating muling pagkikita. Sana magkita-kita pa tayong muli.
God Bless you ang your Family.
Comments