CHEESY PORK SPRING ROLL
Wala naman kaming handa nitong nakaraang tapusan sa Batangas. Naki-kain na lang kami sa aming mga kapitbahay at sa mga pininsan ng aking asawa. Hehehehe.
Bukod dun sa dessert na panna cotta na ginawa ko, nagluto din ako ng Lumpiang Shanghai. Para maiba naman nilagyan ko ito ng cheese. And presto, lalong sumarap ang paborito nating lumpiang shanghai.
Bukod dun sa dessert na panna cotta na ginawa ko, nagluto din ako ng Lumpiang Shanghai. Para maiba naman nilagyan ko ito ng cheese. And presto, lalong sumarap ang paborito nating lumpiang shanghai.
CHEESY PORK SPRING ROLL
Mga Sangkap:
½ kilo Ground Pork
1 medium Carrot
1 medium Red Bell pepper
1 medium size White Onion
1 box Cheese cut into 2 inches stick
25 pcs. Large Lumpia wrapper (cut into 2)
1 tsp. Maggie magic sarap
2 egg beaten (yung kalhati ay para sa pandikit ng dulo ng lumpia wrapper)
1 tsp. Sesame oil
Salt and pepper to taste
2 cups Cooking oil for frying
Paraan ng Pagluluto:
1. Hiwain ang carrot, red bell pepper at sibuyas nga maliliit o pino.
2. Paghaluin ang giniling na baboy, mga ginayat na sangkap, Maggie magic sarap, asin, paminta, binating itlog at sesame oil. Hayaan muna ng mga ilang sandali bago balutin.
3. Maglagay ng tamang dami ng shanghai mix sa lumpia wrapper, i-hulma ng mga 2 inches na haba, ilagay ang cheese stick sa gitna at saka baluting mabuti ang lumpia. Pahiran ng binating itlog ang dulo ng lumpia wrapper at saka isara. Make sure na hindi bukas ang magkabilang dulo ng lumpia para hindi lumabas ang palaman.
4. I-prito ito sa kumukulong mantika hanggang sa maluto at magkulay golden brown.
5. Hanguin sa lalagyan may paper towel para maalis ang extrang mantika
Ihain kasama ang inyong paboritong sweet chili sauce.
Enjoy!!!

Comments
Mas sasarap siya kasi dun sa flavor ng cheese, red bell pepper at white onion.
Pwede mo nga lagyan ng kaunting catsup para may kaunting tamis at asim.
Dennis