CRISPY PANCIT CANTON


Natatandaan nyo ba yung entry ko about Cafe Adriatico? Yes, nabanggit ko dun na nagustuhan ko yung pancit canton na crispy o fried yung noodles. At naipangako ko sa sarili ko na gagawa din ako ng ganun sa bahay.

At eto nga, last Monday June 14, komo nga holiday at walang pasok, naisipan kong iluto na ang pancit canton na iyun. Sa pag-go-groceries ko ng araw nay un, binili ko na ang mga sangkap na kakailanganin ko. Hindi man kumpleto ang sahog pero napasarap ko pa din ang crispy pancit canton ko. Winner! Nagustuhan talaga ng asawa ko at mga anak ang niluto ko.

Try it!


CRISPY PANCIT CANTON

Mga Sangkap:
250 grams Pancit Canton noodles
300 grams Bacon cut pork (hiwain ng mga 1 inch)
100 grams Kikiam sliced
30 pcs. Hard boiled Quail eggs
150 grams Chicharo
1 large Carrot sliced
100 grams Cabbage sliced
4 cloves minced garlic
1 large white onion sliced
½ cup Oyster Sauce
½ cup Soy Sauce
1 pc. Shrimp flavor Knorr cubes
Salt and pepper to taste
1 tbsp. corn starch
1/2 liter cooking oil

Paraan ng pagluluto:
1. Pakuluin ang mantika sa kawali.
2. I-prito ang canton noodles ng mga 15 to 20 seconds. Hanguin sa isang lalagyan.
3. I-prito ang kikiam hanggang sa maluto. Hanguin sa isang lalagyan.
4. Isalin sang mantika sa isang lalagyan at magtira ng ng mga 2 kutsara.
5. I-prito ang bacon cut pork hanggang sa maluto. Itabi sa gilid ng kawali.
6. Igisa ang bawang at sibuyas. Ihalo na ito sa nilutong karne.
7. Ilagay na din ang chicharo at carrots. Halu-haluin.
8. Ilagay na din ang nilutong kikiam.
9. Lagyan ng 2 tasang tubig at ilagay na din ang shrimp flavor knorr cubes
10. Ilagay na din ang oyster sauce, soy sauce at timplahan pa ng asin at paminta kung kinakailangan.
11. Ilagay na din ang quail eggs at ginayat na repolyo.
12. Huling ilagay ang tinunaw na cornstarch para lumapot ang sauce.
13. Tikman at i-adjust ang lasa.
14. Ibuhos ang nilutong gulay at sauce sa ibabaw ng piniritong canton noodles.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Note: Maari ding lagyan ito ng atay ng baboy o manok, hipon at squid balls. Tiyan na mas masarap kung mayroon nito ang inyong fried noodles. Also, mabilisan ang pagluluto nito. Huwag i-overcoked ang gulay habang niluluto. TY

Comments

J said…
Tamang tama, may pancit canton ako dito. Gagayahin ko ito hehe. Thanks kuya!
Dennis said…
Thanks J....Yun lang kailangan mo ng maraming mantika....dapat kasi deep fried ang canton noodles. Pero masarap talaga ito....hehehe


Dennis
Newlyweds said…
ang sarap naman nyan, daming toppings..yum!
Dennis said…
Kulang pa nga Newlyweds...wala pang hipon, atay ng baboy at squid balls. Masarap din kung may lechong kawaling kasama...hehehehe.

Ang tawag na dito...Crispy Pancit Canton Overload....heheheh


Dennis

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy