FRUIT COCKTAIL PANNA COTTA


Ang panna cotta ay isang Italian dessert na may sangkap na gatas, asukal, cream at gelatin. Madali lang itong gawin. Konting luto at mix-mix lang ay okay na. Pwede mo ding lagyan ng kung ano-anong flavor o sangkap pa para ito mas sumarap pa.

Nitong nakaraang tapusan nga sa baryo ng aking asawang si Jolly, ito ang dessert na ginawa ko. Actually, biglaan ang pagkakagawa ko nito. Dapat sana ay simpleng fruit cocktail salad lang ang gagawin ko. Pero yun nga para maiba naman ginawa ko itong panna cotta.

Nakakatuwa naman at nagustuhan ng mga anak ko at asawa ko ang dessert na ito. Try it…madali lang itong gawin.


FRUIT COCKTAIL PANNA COTTA

Mga Sangkap:
2 boxes Ferna Powdered Gelatin (Almond Flavor)
1 big can Alaska Condensed milk
1 tetra brick All Purpose cream
1 cup of white sugar
1 big can Del Monte Fruit cocktail

Paraang ng pagluluto:
1. Sa isang kaserola, ilagay ang syrup ng fruit cocktail.
2. Lagyan ito ng 2 tasang tubig at powdered gelatin at saka isalang sa apoy.
3. Kapag kumulo na, ilagay ang asukal, condensed milk at all purpose cream. Halu-haluin at hayaang maluto sa mahinang apoy.
4. Samantala, ilagay ang fruit cocktail sa mga llanera o kaya naman ay malilit na bowl.
5. Lagyan ng tamang dami ng nilutong gulaman at cream ang mga llanera.
6. Palamigin at saka ilagay sa fridge.

Ihain as a dessert o kaya naman ay as a snack kasama ang inyong paboritong kape.

Enjoy!!!!

Comments

Lady Patchy said…
ahaha! gayahin ulit kita.sarap!
Dennis said…
Thanks Tatess....Sarap talaga nito....hehehehe. Ang variation na naiisip ko pa dito ay lagyan ko ng mga 3 pcs. of egg. Mas sasarap siya....hehehe.
Deng O. said…
panna cotta pla tawag dun, hehe.. masarap nga yan.. gumagawa ako nyan nung studyante p ko.. mga una kong experiment dati, tawag ko s knya nun fruit salad na gelatin, haha...

sasarap ng luto mo, madami n ko ntry... lahat good ang review... thanks...

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy