HAPPY FATHERS DAY sa LAHAT NG DADDY TULAD KO
Ang ama ang haligi ng tahanan. Kapag nawala ang ama, maaring masira o humina ang pundasyon ng isang pamilya. Sila ang hinuhugutan ng lakas ng pamilya. Sila ang nagpo-provide ng mga kailangan natin sa araw-araw. Sabi nga, the number 1 responsibility of a father is to provide.
Nasa picture sa itaas ang aking ama na si Tatang Villamor. Ofcourse, kasama niya ang ang mahal na mahal niyang mga apo...hehehe. Bakit ba naman hindi e mga Glorioso lahat yan....hehehehe. Sila ang magdadala ng apelyido namin....hehehe

May kasabihan na sa isang magulang, isusubo mo na lang ay ibibigay mo pa sa iyong mga anak. Totoo ito. Hindi baleng wala nang para sa akin...basta mayroon ang mga anak ko.
I know, sa tulong ng aking asawang si Jolly, mapapalaki namin ang mga anak naming ito na may pagmamahal sa Diyos, mababait at mabubuting tao.
Dalangin ko lang, na sana ay bigyan pa ako ng lakas, para maitaguyod ko ang aking mga anak. Sana'y ilayo ako sa kapahamakan at sa mga sakit at karamdaman dahil gusto ko pang makitang lumaki at maging AMA sin ang aking tatlong anak.
Tulungan nawa kami ng Diyos.
HAPPY FATHER'S DAY sa lahat ng mga AMA.
Comments