MUAR CHEE - Sticky Rice Cubes
Una, pasensya po kung medyo malabo ang picture ng entry natin for today. Medyo nagloloko na talaga ang digicam na ginagamit ko. Pero hindi ko pa rin mapigil na hindi i-share ito sa inyo dahil masarap at kakaiba talaga.
Nabasa ko lang ang recipe nito sa isa sa mga paborito kong food blog ang rasamalaysia.com. Nagustuhan ko ito dahil simple lang ito at madaling lang lutuin. Actually, para lang siyang palitaw. Ang pagkakaiba lang nila, yung palitaw niro-roll sa ginadgad na niyog, asukal at linga. Samantalang ang sa muar chee naman ay niro-roll sa giniling na mani, linga at brown sugar. Sa pagluluto din, ang palitaw niluluto sa kumukulong tubig hanggang sa lumutang. ang sa muar chee naman ay ini-steam hanggang sa maluto.
Try nyo ito. Masarap itong snack kasama ang mainit na kape o tsaa. O kaya naman ay dessert matapos kayong kumain.
MUAR CHEE - Sticky Rice Cubes
Mga Sangkap:
2 cups Glutinous Rice flour
1-1/2 cup Cold Water
Cooking oil for greasing
1 cup brown sugar
1/2 cup Grounf roasted peanuts
1 tbsp. Toasted Sesame seeds
Paraan ng pagluluto:
1. Paghaluin ang ang rice flour at ang tubig hangang sa makagawa ng batter.
2. Isalin ito sa isang square pan na nilagyan cooking sa base at sa gilid nito.
3. I-steam ito sa loob ng 10 hanggang 15 minuto o hanggang sa maluto ang rice batter. Hanguin at palamigin sandali.
4. Paghaluin ang giniling na mani, toasted sesame seeds at brown sugar sa isang bowl.
5. Hiwain ng pa-cubes ang nilutong rice flour at igulong ito sa pinaghalong mani, asukal at linga.
Ihain ito agad habang mainit-init pa kasama ang inyong paboritong kape o tsaa.
Enjoy!!!!
Comments