PAN-GRILLED BONELESS BANGUS




Masarap talaga ang inihaw na pagkain katulad ng liempo, manok, tilapia, bangus at kahit ano mang lamang dagat.

Masarap kasi nare-retain yung tunay na lasa ng iniihaw. At isa pa, masarap atang kumain ng inihaw ng naka-kamay. Hehehehe. Tapos, may sawsawan kang toyo na may calamansi at sili. Panalo talaga ang kain mo. Hehehe

Ang problema ko, saan ako mag-iihaw? Hindi naman pwedeng mag-ihaw sa loob ng condo…hehehehe. Kaya naman ang solusyon, bakit hindi na lang sa stove griller o sa kawali ito i-ihaw. Although, mas masarap pa rin talaga ang ihaw sa baga, pe-pwede na din ang ganito…hehehe.

At ito ang ginawa ko sa boneless bangus na nabili ko nitong nakaraang mag-groceries ako. Boneless ito. At para mas sumarap pa ang masarap nang bangus? Pinalamanan ko ito ng kamatis, sibuyas, luya na hinaluan ko ng olive oil. Winner talaga….Ang mga bata, nakaalawang balik sa kanin at humihirit pa ng bangus. Hehehehe


PAN-GRILLED BONELESS BANGUS

Mga Sangkap:
1 large Boneless Bangus
1 pc. large White onion chopped
2 pcs. Large Tomatoes chopped
1 thumb size Ginger finely chopped
2 tbsp. Olive oil
Salt and pepper to taste
1 tsp. Maggie magic Sarap

Paraan ng pagluluto:
1. Timplahan ng asin, paminta at Maggie magic sarap ang dinaing na bangus. Hayaan ng mga 15 minuto.
2. Sa isang bowl, pagsama-samahin ang ginayat na kamatis, sibuyas at luya. Ilagay na din ang olive oil at timplahan din ng kaunting asin at paminta.
3. Ipalaman ang lahat na ito sa bangus at saka balutin ng aluminum foil na may kaunting olive oil para hindi ito dumikit sa isda.
4. I-ihaw ito sa kawali sa katamtamang apoy hanggang sa maluto.

Ihain ito habang mainit pa kasama ang sawsawang pinaghalong calamansi, suka, toyo, ginayat na sibuyas at kamatis.

Enjoy!!!!



Comments

J said…
kuya nangasim ako sa sawsawan mo hehehe... sana makabili ako ng bangus dito. Yung nasa Fil store kasi ay marinated na eh.
Dennis said…
Try mo yang sawsawanna yan.....calamansi na may suka at toyo.....masarap talaga.

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy