PRITONG MANOK na may ROSEMARY at LAUREL


Kahit nung bata pa ako, paborito ko na ang pritong manok o fried chicken. Kung baga,noong araw, ito ang pinaka-espesyal na ulam namin sa mga importanteng okasyon. Kahit nga yung buntot na bahagi ng pritong galunggong ini-imagine ko na hita ng pritong manok eh.....hehehehe.

Noong araw, basta inaasinan lang ang manok o kaya naman ay ina-adobo muna bago ito prituhin. Ito ang gusto kong luto ng pritong manok. Walang masyadong maraming rekado. Di tulad ng fried chicken ngayon, lalo na yung sa mga fastfood, puro mga harina ang nakabalot. Tuloy, natatabunan yung sarap ng laman ng manok.

Ganito ang ginawa ko sa entry natin for today. Walang breadings na ginamit to hide the chicken. Kung baga, ala Max ang lutong ginawa ko dito. Ang resulta...linamnam ng manok at flavor ng rosemary at larel ang inyong malalasahan.

Try nyo ito....Masarap. Sawsaw mo pa sa Jufran na banana catsup....hehehehe....panalo talaga.



PRITONG MANOK na may ROSEMARY at LAUREL

Mga Sangkap:

1 whole Chicken cut into half

5 pcs. Dried Laurel leaves

1 tsp. Dried Rosemary

1 head Garlic

Salt and pepper to taste

1/2 liter cooking oil



Paraan ng pagluluto:

1. Sa isang kaserola, pakuluan ang manok kasama ang rosemary, laurel, bawang, asin at paminta hanggang sa maluto ang manok.

2. Hanguin sa isang lalagyan at hayaang lumamig. Maaring punasan ng paper towel ang manok para maalis ang excess na sabaw.

3. Budburan o kiskisan ng asin at paminta ang katawan ng nilagang manok. Hayaan ng mga 15 minuto bago prituhin.

4. Magpakulo ng mantika sa isang kawali o kaserola. Dapat lubog ang manok na ipi-prito.

5. Prituhin ang manok hanggang sa pumula ang balat.

6. Hanguin sa isang lalagyang may paper towel.

Ihain habang mainit pa kasama ang inyong paboritong banana catsup.

Enjoy!!!


Note: Kung gusto ninyo ng extra na crispy na balat, palamigin ang piniritong manok at saka muling i-prito sa kumukulong mantika. thanks

Comments

J said…
Kuya try ko ito pero ibe-bake or turbo ko hehehe. Thanks for sharing!
Dennis said…
Hi J...kapag bake or itu-turbo, sa malamang magiging dry ang manok mo...kasi nga naluto na siya. Also, hindi ganun ka-crispy ang balat. Ala-Max ang dating kapag fried.


Dennis
Anonymous said…
Hi, may alternative po ba sa rosemary? wala kase dito sa grocery namin. thanks.

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy