STIR FRY BACON CUT PORK and MIX VEGETABLES


Remember yung niluto kong Crispy Pancit Canton? Marami pa kasing natirang pangsahog na karne at gulay kaya naman naisipan kong iluto ito para pandagdag sa aming dinner nitong isang araw.

Stir fry ang ginawa kong luto dito at dinagdagan ko na lang ng chopped parsley sa ibabaw. Masarap naman ang kinalabasan at talaga namang napasarap ang kain ko.


STIR FRY BACON CUT PORK and MIX VEGETABLES

Mga Sangkap:
250 grams Bacon cut Pork
100 grams Baguio beans cut into 1 inch long
1 carrot cut into 1 inch long
100 grams Cabbage cut into strips
½ cup Finely chopped parsley
1 large onion sliced
4 cloves minced garlic
½ cup Oyster sauce
2 tbsp. cooking oil
1 tsp. Maggie Magic Sarap
1 tsp. Cornstarch
1 tbsp. Soy sauce
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1. Timplahan ang hiniwang baboy ng asin, paminta, toyo at cornstarch. Hayaan ng mga 15 minuto.
2. Sa isang non-stick na kawali i-prito ang hiniwa at tinimplahang bacon cut pork hanggang sa pumula at maluto.
3. Igisa ang bawang at sibuyas. Halu-haluin.
4. Ilagay ang Baguio Beans at carrots. Lagyan ng ½ tasang tubig. Halu-haluin hanggang sa malapit ng maluto ang beans.
5. Ilagay ang oyster sauce at Maggie magic sarap.
6. Tikman at i-adjust ang lasa.
7. Huling ilagay ang repolyo Halu-haluin. Huwag i-overcooked.
8. Hanguin sa isang lalagyan at ibudbod sa ibabaw ang chopped parsley.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!

Comments

FoodTripFriday said…
Na miss ko yata yung Crispy Pancit canton, tamang tama meron akong stock na Canton dito sa pantry ko.ma search nga.
Sir Dennis, pwede po bang pakilagay yung badge ng FoodTripFriday sa post nyo po,para makasali din yung ibang dadalaw dito sa blog nyo.Pili na lang po kayo kung anong BUTTON ang gusto nyong ilagay.

By the way, maganda po ang inyong bagong template, neat ng dating. :)
Gizelle said…
wow naman, walang napupuntang pagkain to waste...
Lulu said…
this looks yummy. i love stir fry veggies
Dennis said…
@ Foodtripfriday.....papaano gawin yung badge? hindi ko ata alam yun....hehehehe...paturo naman.

Thanks

Dennis
Dennis said…
@ Gizelle.....dapat lang...sa mahal ng mga bilihin ngayon...dapat walang nasaayang....;)

@ Lulu...many thanks.....me too.
FoodTripFriday said…
I-save nyo lang po yung image na gusto nyo from the BUTTON PAGE,tapos i lagay nyo lang po sa post nyo like the way you post your ulam photo. :)
Either at the beginning of your post or at the end,tulad po ng ibang participants.Thanks!

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy