TORTANG GINILING with CHEESE



Pumapasok na ulit ang 3 kong anak sa school. Whole day lahat ang pasok nila so kailangan na magbaon na sila ng lunch. At yun ang napakalaking challenge sa akin. Kailangan kong mag-isip ng mga ulam na madali lang lutuin at hindi nakakasawa para sa mga bata.

Isa sa mga unang nailuto ko ay itong tortang giniling na entry natin ngayon. Para naman mapasarap ko pa ito, nilagyan ko ito ng mix vegetables, dried basil at grated cheese. Masarap naman talaga ang kinalabasan. Napuri pa nga ito ng mga anak ko at talaga namang ubos pati ang mga kanin nila.

Try nyo ito. Tamang-tama ito na pambaon sa school o sa office man.


TORTANG GINILING with CHEESE

Mga Sangkap:
1/2 kilo Ground Pork
1 cup Mix vegetables (corn, carrots, green peas)
1 medium size Potato cut into small cubes
1 medium Onion chopped
5 cloves Minced Garlic
1/2 tsp. Dried basil
1 cup grated Cheese
4 eggs beaten
salt and pepper to taste
1 tsp. Maggie Magic Sarap
2 tbsp. Olive oil

Paraan ng Pagluluto:
1. Sa isang non-stick na kawali, i-prito ang patatas sa olive oil hanggang sa pumula at maluto ng bahagya.
2. Itabi sa gilid ang patatas at igisa ang bawang at sibuyas. Halu-haluin
3. Ilagay na din ang mix vegetables at giniling na baboy.
4. Timplahan ng asin, paminta, maggie magic sarap at dried basil. Hayaang maluto ang giniling.
5. Tikman at i-adjust ang lasa.
6. Hanguin sa isang bowl at hayaang lumamig sandali.
7. Ihalo sa nilutong giniling ang binating itlog at grated cheese. Haluing mabuti.
8. Paghatiin sa dalawa ang nilutong mga sangkap.
9. Sa isang non-stick na kawali, i-prito ang unang kalhati sa kaunting mantika (1 tbsp.) Maaring takpan ito para madaling maluto ang loob ng torta.
10. Kung luto na ang ilalaim ng torta, kumuha ng plato na malaki sa hugis ng nilulutong torta. Itaklob ito sa torta at saka baligtarin. Ibalik muli sa kawali para maluto naman ang kabilang side.

Ihain kasama ang inyong paboritong catsup o kaya naman toyo na may calamansi o lemon.

Enjoy!!!!

Comments

i♥pinkc00kies said…
Yummy ah! I like tortang giniling.. now let me try adding cheese :)
Lady Patchy said…
gusto rin ng anak ko ito
Dennis said…
@ mypinkcookies....lagyan mo na din ng fresh chopped basil...panalo ang lasa niya.

@ tatess.....pwede ding lagyan ng 1/2 cup na sweet tomato catsup yung giniling bago isama ang itlog. Mas malinamnam yung lasa.
J said…
kuya anong klaseng cheese po ang ginamit mo?

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy