ALIGUE RICE
This is my 3rd dish na inihanda ko sa Birthday ng aking asawang si Jolly.
Ito yung isa sa mga dish na madalian talaga ang ginawa kong luto. Papaano ba naman, 10am ko nalaman na may magla-lunch sa amin komo hindi nga sila pwede ng dinner.
Basta ang nasa isip ko nun ay kung anong ulam ang pwedeng iluto na madali lang gawin. Una nga ay yung hipon na napost ko na ang recipe, pangalawa ay itong ngang aligue rice at pangatlo ay yung pan-grilled na liempo. Habang naka-marinade ang liempo ang hipon at aligue rice muna ang ginawa ko.
Ayos na ayos. Bago mag-lunch naluto ko na ang dapat iluto pago pa dumating ang mga bisita. Nakakatuwa naman at nagustuhan nila ang mga niluto ko.
ALIGUE RICE (Fried Rice with Crab Fat)
Mga Sangkap:
5 cups Cooked Rice (yung long grain mas mainam...jasmin rice ang ginamit ko dito)
3 tbsp. Taba ng talangka (crab fats available in bottle)
5 cloves Minced garlic
3 tbsp. Olive oil
2 Eggs beaten
Salt and pepper to taste
Salt and pepper to taste
1 tsp. maggie magic sarap (optional)
2 tbsp. parsley (finely chopped)
Paraan ng Pagluluto:
1. Sa isang non-stick pan, i-prito ang binating itlog sa kaunting olive oil. Hanguin sa isang lalagyan.
2. Ilagay ang natitira pang olive oil at igisa ang bawang hanggang sa mag-golden brown ang kulay.
3. Ilagay ang taba ng talangka. Timplahan ng asin at paminta. Halu-haluin.
4. Ilagay ang kanin at maggie magic sarap. Haluin na mabuti haggang sa ma-coat o kumulay na ang taba ng talangka sa lahat ng kanin.
5. Hanguin sa isang lalagyan at ilagay sa ibabaw ang ginayat na nilutong itlog at parsley.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!
Note: Mas masarap na pigaan ng katas ng calamansi ang aligue rice na ito at haluin bago kainin. Tnx
Comments
Thanks J....dont forget the calamansi...hehehe
Thanks
Dennis