BRAISED PORKLOIN in HONEY and PINEAPPLE JUICE
May isang tagasubaybay ng blog kong ito ang nag-email sa akin na kung pwede daw akong mag-suggest ng mga lutuing pwedeng pambaon sa school ng kanyang mga anak. Sa totoo lang, yan din ang problema ko....hehehehe. Pero nag-suggest ako na i-click yung label na pambaon sa archive sa kanang bahagi ng screen at duon may ilang entry ako na pwede na pambaon.
Narito ang isa pang dish na pwede sa mga espesyal na okasyon at pwede din na pambaon ng mga bata sa school. Mainam na pambaon ito kasi hindi ito madaling mapanis. Tiyak ko na magugustuhan ito ng inyong mga anak katulad ng mga anak ko.
BRAISED PORKLOIN in HONEY and PINEAPPLE JUICE
Mga Sangkap:
1 kilo Porkloin (about 2 whole pcs.)
150ml can Del Monte 100% Pineapple Juice
1/2 cup Soy Sauce
1/2 cup Pure Honey
1 cup Brown Sugar
2 tbsp. Olive oil
1 large White Onion sliced
5 cloves minced Garlic
salt and pepper to taste
Paraan ng Pagluluto:
1. Tusuk-tusukin ng icepick o kutsilyo ang laman ng porkloin sa lahat ng bahagi nito.
2. I-marinade ito sa asin, paminta at Pineapple juice sa loob ng 15 minuto. Mas matagal mas mainam.
3. Sa isang non-stick na kawali, i-prito ang porkloin sa olive oil hanggang sa pumula ng kaunti ang balat nito.
4. Ibuhos dito ang marinade mix at lagyan ng 1 tasang tubig.
5. Ilagay na din ang brown sugar, soy sauce, bawang at sibuyas. Takpan at hayaang maluto hanggang sa kumaunti na lang ang sauce.
6. Tikman at i-adjust ang lasa. Maaring lagyan pa ng asin at brown sugar.
7. Huling ilagay ang honey. Hayaan ng mga 2 minuto at saka hanguin.
8. Hanguin.....palamigin....at i-slice ang nilutong karne ayon sa nais na kapal.
9. Ibuhos ang sauce sa ini-slice na karne.
Ihain kasama ang mainit na kanin. Masarap din ito sa tinapay.
Enjoy!!!!
Comments
http://newlywedscravings.blogspot.com/