CHICKEN CALDERETA ala BATANGAS

Ang caldereta ang isa sa mga all time favorite nating mga Pilipino sa mga handaan. Ofcourse the classic Beef Caldereta o kahit manok o pork man, panalo pa rin basta lutong caldereta.

Maraming version ang caldereta. Depende na lang siguro kung nasaan kang lugar. Kagaya nitong Batangas version na walang tomato sauce. Na-post ko na yung beef version at eto naman ay ang chicken version ko.

Try it! Masarap, malasa, malinamnam at talaga namang mapupuri ka sa mga makakatikim.


CHICKEN CALDERETA ala BATANGAS

Mga Sangkap:
1 Whole Chicken cut into serving pieces
2 tbsp. Pickle Relish
1 tbsp. Chili-garlic sauce
1/2 cup Reno Liver spread
1 tbsp. Worcestershire Sauce
2 pcs. Potatoes (cut into cubes)
1 pc. Carrot (cut into cubes)
1 pc. Red Bell Pepper (cut also into cubes)
1 cup Green peas
1/2 cup grated cheese
1 large onion chopped
5 cloves minced garlic
2 pcs. tomatoes chopped
2 tbsp. Olive oil
salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kaserola, igisa ang bawang, sibuyas at kamatis sa olive oil.
2. Ilagay ang manok at timplahan ng asin at paminta. Isangkutsa ng mga 1 minuto.
3. Ilagay na ang patatas, carrots, red bell pepper, pickle relish at worcestershire sauce. Lagyan ng 1 taang tubig...takpan at hayaang maluto ang manok at gulay.
4. After ng mga 15 minuto, ilagay na ang liver spread at chili garlic sauce. Halu-haluin.
5. Tikman at i-adjust ang lasa.
6. Ilagay ang green pease at grated cheese. Hayaan ng mga 1 minuto bago hanguin.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!

Comments

Mrs Ambrose said…
I would love to try this recipe, my husband will sure LOVE it! Thanks & Godbless! :)
Dennis said…
Thanks Mrs. Ambrose.....Your husband will surely love it... ;)

Dennis
Mrs Ambrose said…
I tried doing Kalderetang Batangas using shortribs, for sure masarap din ang chicken. I'll try this next week, tnx again!

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy