CHICKEN LIVER, GIZZARD and MIX VEGETABLES
Ilang araw ko ding pinag-isipan kung ano ang mga dish na ihahanda ko sa birthday ng aking asawang si Jolly. Siguro naka-tatlo akong revise bago na-finalized ang listahan ko. Hehehehe.
As promised, narito ang isa sa mga niluto kong dish. Chicken Liver and Gizzard with Mix Vegetables. It’s a simple dish at napakadaling lutuin. Talaga namang nagustuhan ito ng aming mga bisita.
Nakikita ko ang dish na ito sa mga espesyal na handaan kagaya ng fiesta, binyagan o kaya naman at kasal sa amin sa Bulacan.
Magandang i-handa ito sa mga espesyal na okasyon dahil sa bukod sa masarap na ay colorful pa ito at kaiga-igaya talaga sa mata ng mga bisita.
CHICKEN LIVER and GIZZARD with MIX VEGETABLES
Mga Sangkap:
½ kilo Chicken Liver (cut into serving pieces)
½ kilo Chicken Gizzard (Pakuluan hanggang sa lumambot, cut into serving pieces)
50 pcs. Quail eggs (ilaga at balatan)
1 pc. Large Sayote (balatan at hiwain sa maliliit na cubes)
½ kilo Frozen Mix Vegetables (peas, carrots, corn)
½ cup Grated Cheese
½ cup Butter
2 pcs. Chicken cubes
1 large White Onion finely chopped
5 cloves minced garlic
Salt and pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kawali o non-stick pan, igisa ang bawang at sibuyas sa butter.
2. Sabay nang ilagay ang atay at balun-balunan ng manok.
3. Timplahan ng asin at paminta at lagyan ng 1 tasang tubig. Hayaang kumulo hanggang sa maluto ang atay.
4. Ilagay muna ang hiniwang sayote at chiekn cubes. Hayaan ng mga 3 minuto.
5. Ilagay ang mix vegetables at grated cheese. Halu-haluin.
6. Tikman at i-adjust ang lasa.
7. Ilagay ang quail eggs bago hanguin sa isang lalagyan.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!
Comments
Thanks a lot!
Dennis