PANCIT LUGLOG (Pancit Palabok)
May nagtanong sa akin kung ano daw ang pagkakaiba ng pancit luglog sa pancit palabok. Sa pagka-alam ko, halos wala itong pinagiba lalo na sa mga sangkap na gagamitin. Ang pagkakaiba lang ay yung noodles na gagamitin at sa pag-a-assemble nito.
Ang pancit palabok ay gumagamit ng bihon o yung maliliit na rice noodles, samantalang ang pancit luglog ay yung matataba ang noodles.
Sa pag-a-assemble naman, ang pancit palabok ay inilalagay ang sauce at iba pang toppings sa ibabaw ng noodles kaya marahil ito tinawag na palabok. Samantalang ang pancit luglog naman ay hinahalo na ang sauce sa noodles at saka lalagyan ng toppings.
Ito nga pala yung niluto ko nung birthday ng Inay Elo ko sa Batangas. Nakakatuwa naman at nagustuhan niya.
PANCIT LUGLOG (Pancit Palabok)
Mga Sangkap:
1 kilo Bihon (yung malalaki ang noodles)
½ kilo Ground Pork
½ kilo Frozen shrimp
½ kilo Frozen squid
2 cups Hinimay na tinapa (i-toast sa kawaling may kaunting mantika)
3 pcs. Tokwa
1 pack Pork Chicharon (durugin)
5 pcs. Hard boiled Eggs
Achuete seeds (Ibabad na tubig)
½ cup patis
½ cup Chopped Kinchay
Salt and pepper to taste
1 tsp. Maggie magic Sarap
1 head Minced Garlic
2 large Onion chopped
2 tbsp cooking oil
½ cup Flour or Cornstarch
Paraan ng pagluluto:
1. Ibabad ang bihon sa tubig hanggang sa lumambot ito.
2. Magpakulo ng tubig sa isang kaserol.
3. Kapag kumukulo na ang tubig, ilagay ang pinalambot na bihon. Hayaang maluto. Huwag i-overcooked. I-drain at ilagay sa serving lalagyan na paghahaluan ng sauce.
4. Sa isang kaserola, i-prito ang bawang hanggang sa mag-golden brown. Hanguin sa isang lalagyan.
5. Sunod na igisa ang sibuyas. Halu-haluin.
6. Ilagay na din ang posit at hipon.
7. Timplahan ng asin, paminta at Maggie magic sarap. Halu-haluin
8. Hanguin ang ½ ng nilutong hipon at posit para maging toppings.
9. Isunod na din ang giniling na baboy at ang dinurog na tokwa.
10. Lagyan ng katas ng achuete para pang kulay.
11. Lagyan din ng 2 tasang tubig at hayaang maluto ang giniling na baboy.
12. Ilagay na din ang kalhati ng tinustang tinapa at mga 1 tasang dinurog na chicharong baboy.
13. Ilagay na din ang tinunaw na harina o cornstarch para lumapot ang sauce.
14. Timplahan ng patis o asin at paminta pa kung kinakailangan.
15. Ibuhos ang nilutong sauce sa nilutong bihon.
16. Haluing mabuti at isalin sa serving dish.
17. Ilagay sa ibabaw ang nilutong hipon, pusit, toasted garlic, dinurong na chicharon, toasted tinapa, chopped kinchay at hiniwang nilagang itlog.
Ihain na may kasamang calamansi.
Enjoy!!!!
Note: Masarap din kung lalagyan o hahaluan ng mantikang baboy. Magiging mas malinamnam ang inyong pancit.
Comments
Spice Up Your Life
Btw,thanks for sa paglagay ng badge ng FTf sa sidebar nyo. :)
@ Cecile....pareho ang lasa as long as pareho ng sangkap na gagamitin. Don't forget the calmansi....hehehehe
@ FoodtripFriday ..... yun nga ang nakalimutan ko....hehehehe.
Dennis
http://newlywedscravings.blogspot.com/
isang beses lang ako gumawa (pancit malabon) di ko na inulit. medyo madami kasing sahog at matagal din gawin. pero masarap naman talaga :-)
- blankPixels of CertifiedFoodies.com -
Our Food Trip Friday entry (1st):
We Love Subway Sandwiches!