SHRIMP and ALIGUE PASTA
Sa ating mga Pilipino basta may kaarawan, hindi mawawala ang mga handing pancit mo kaya naman ay spaghetti. Isa marahil ito sa mga kaugaliang Tsino na namana natin na ang ibig sabihin ay long life o mahabang buhay. Yun naman ang lagi nating wish kung tayo ay nagbe-birthday.
At mayroon nga akong nilutong pasta dish nitong nakaraang birthday ng aking asawa si Jolly. Shrimp and Aligue pasta.
May nai-post na akong halos kapareho din lang ng dish na ito (Pasta Aligue). Yun lang dinagdagan ko ng hipon ang version kong ito para naman mas lalo pang sumarap at may laman ang pasta.
Madali lang itong lutuin at tiyak kong magugustuhan ng inyong mga bisita. Yun lang, hinay-hinay sa pagkain dahil taba ng talangka. May kataasan ang cholesterol content nito.
SHRIMP and ALIGUE PASTA
Mga Sangkap:
1 kilo Fettucine or Spaghetti pasta (Cooked according to package directions)
1 cup Taba ng Talangka (available ito sa supermarket in bottle)
½ kilo Hipon (alisin ang ulo at balat)
1 head Minced Garlic
1 large Red Onion Chopped
2 tbsp. Olive oil
1 cup grated cheese
Salt and pepper to taste
1 tsp. Maggie Magic Sarap (optional)
1 cup of water
½ cup chopped parsley
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kawali o non-stick pan, igisa ang bawang at sibuyas sa olive oil. Halu-haluin.
2. Sunod na ilagay ang hipon. Timplahan ng asin at paminta.
3. Ilagay na ang taba ng talangka at 1 tasang tubig. Hayaang kumulo ng mga ilang minuto
4. Tikman at i-adjust ang lasa ng sauce.
5. Ilagay ang nilutong pasta at kalhati ng grated cheese.
6. Haluin hanggang sa ma-coat ang lahat ng pasta ng sauce.
7. Hanguin sa isang lalagyan at ilagay sa ibabaw ang natitira pang grated cheese at chopped parsley.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!
Comments
Dennis