SPRITEY CHILI-GARLIC PRAWN
Ito ang pangalawang dish na inihanda ko sa birthday ng asawa kong si Jolly.
Dinner talaga ang handa ng may birthday. Kaso sinabihan niya (Jolly) ako na may magla-lunch daw sa bahay dahil hindi pwede sila ng gabi. Sabi ko lang walang problema at magluluto ako ng dish na madali lang lutuin.
At ito ngang entry natin for today ang isa sa dish na iniluto ko for lunch. Kahit may kamahalan ang hipon ay okay na din. Espesyal naman ang okasyon. hehehehe. Ang kasama pala nito ay inihaw na liempo at aligue rice. (Abangan din ang recipe sa mga ito.)
At ito ngang entry natin for today ang isa sa dish na iniluto ko for lunch. Kahit may kamahalan ang hipon ay okay na din. Espesyal naman ang okasyon. hehehehe. Ang kasama pala nito ay inihaw na liempo at aligue rice. (Abangan din ang recipe sa mga ito.)
Actually may entry na ako na ganitong dish sa archive pero dahil super special ang ginawa ko dito, i-share ko pa rin sa inyo ang recipe ng dish na ito.
SPRITEY CHILI-GARLIC PRAWN
Mga Sangkap:
1 kilo Medium to large size Prawn (tanggalin yung balbas)
2 cups Sprite
1 head Minced Garlic
1/2 cup Butter
1/2 Lemon Juice
1 tsp. Lemon Zest
1 to 2 tbsp. Chili-garlic sauce
2 tbsp. Sugar
1 tbsp. cornstarch
Salt and Pepper to taste
Parsley for garnish
Paraan ng Pagluluto:
1. Sa isang kawali o non-stick pan, igisa ang bawang sa butter hanggang mag-golden brown ang kulay.
2. Ilagay ang hipon. Timplahan ng asin at paminta. Halu-haluin.
3. Ilagay na din ang sprite, chili-garlic sauce, lemon juice, lemon zest at takpan. Halu-haluin at hayaang maluto.
4. Ilagay ang sugar....tikman at i-adjust ang lasa.
5. Ilagay ang tinunaw na cornstarch para lumapot ang sauce.
6. Hanguin sa isang lalagyan at lagyan ng chopped parsley sa ibabaw.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!
Comments
Dennis