SPRITEY PAN-GRILLED LIEMPO
Ang inihaw na liempo ang isa sa mga paborito nating ulam lalo na sa mga picnic o kahit sa anumang kainan. Ang sarap i-ulam nito lalo na kung may sawsawang calamansi na may toyo at suka at lagyan mo pa ng ginayat na sibuyas, kamatis at konting sili. Siguradong mapaparami ang kanin mo kapag ganito ang ulam....hehehehe.
Isa na naman ito sa mga inihanda ko sa birthday ng aking asawa. Komo sira nga ang turbo broiler namin, at wala naman kaming place na pwedeng pag-ihawan, e di pan-grilled na lang ang ginawa kong luto dito. Take note, ito ang unang naubos sa lahat ng mga pagkaing inihanda ko....hehehe
May entry na ako na spritey roast liempo. At yun nga ay luto using a turbo broiler. What is good sa version kong ito ay yung tamang-tamang lasa ng timpla ko sa liempo. Halos kapareho lang din siya ng luto sa baga. Ofcourse less the abo....hehehe.
SPRITEY PAN-GRILLED LIEMPO
Mga Sangkap:
2 kilos Pork Liempo (About 1/2 inch thick...at yung hindi gaanong mataba)
2 cups Sprite soda
1 pc. Lemon (juice)
1 tsp. Lemon zest
1 tbsp. Worcestershire sauce
1 cup Soy sauce
2 tbsp. Brown Sugar
2 tbsp. rock salt
1 tsp. ground black pepper
2 head minced garlic
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang malaking lalagyan, paghaluin ang lahat ng mga sangkap.
2. Hayaang mababad ang liempo ng mga 1 oras. Overnight mas mainam.
3. I-ihaw ito sa isang non-stick na kawali sa katamtamang lakas ng apoy.
4. Makalipas ang ilag sandali, baligtarin ang iniihaw hanggang sa maluto ang magkabilang side.
5. Hiwain sa nais na laki at ihain na may kasamang sawsawan na pinaghalong katas ng calamansi, suka, toyo, asin, asukal, ginayat na sibuyas, kamatis at sili.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!
Comments
Dennis